Mga Barbaro Pa Rin!

NASASABING MGA si-bilisado ang Tsino sa Taiwan at Hong Kong. ‘Di pala totoo. Balik pa rin sila sa ugali nilang barbaro!

Kamakaila’y pinagbabato ng mga taga-HK ang mga atleta nating nanalo laban sa kanila. ‘Di lang iyon. Pinagmumura pa nila tayo at nag-display ng mga plakard na minamaliit ang lahing Pilipino. Muli nilang binuhay ang racism na halos patay na sa daigdig.

Kasunod ito ng pagmamaltrato ng mga Taiwanese sa ating mga OFW sa Taiwan kasunod ng isyu tungkol sa pagkapatay sa mangingisdang Taiwanese na iligal na nangingisda sa mga karagatan natin.

Sobra na ito. At ang anumang bansa na may respeto sa sarili ay hindi basta mapapalampas ito.

Mukhang nakalilimutan na ng Taiwan at Hong Kong na sila ay mga lalawigan lamang at ‘di mga bansa. Pareho lang silang probinsya ng People’s Republic of China. Nakalimutan din nila na noong sila’y sakop ng mga dayuhan ay parang hayop ang trato sa kanila. Sa mga restoran ay nakapaskil ang karatulang; “No Dogs and Chinese Allowed Inside”. Tapos tayo naman ang bubuweltahan nila sa nakalipas nang kaapihan nila.

Iisa ang ugat nito: Minamaliit nila tayo dahil mas maunlad at mas malakas sila sa atin.

Iisa ang solusyon: Magpayaman at magpalakas ang Pilipinas!

 

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.