Mga Bangkay sa Hagupit ng Habagat, Naglutangan na

MATAPOS ANG matinding tubig-baha na rumagasa sa buong lalawigan ng Bulacan bunsod ng hagupit ng habagat, unti-unti nang naglulutangan ang mga patay na katawan ng mga taong hindi nakaligtas sa galit ng kalikasan.

Kung saan tatlong lalaki, kabilang ang isang 14-anyos ang nakita kahapon ng umaga, matapos bumaba ang tubig-baha sa lungsod ng Meycauayan at sa mga bayan ng Sta. Maria at Marilao noong Sabado.

Sa report na tinanggap ni Bulacan provincial director S/Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nakuhang bangkay na sina Honorio Serrano, 67 anyos, may-asawa, residente ng 261 F. Manalo St., Brgy. Libtong, Meycauayan City; Mark Anthony Nagtalon, 14, taga-Puyat Compound, Brgy. Dulong Bayan, San Jose Del Monte City; at isang lalaki na nasa pagitan ng 30-36 anyos ang wala pang pagkakakilanlan sa kasalukuyan.

Ayon kay Mendez, ang mga bangkay ay pinaniniwalaang nalunod o tinangay ng tubig-baha noong kasagsagan ng lakas ng ulan. Nabatid na nakuha ang katawan ni Serrano na palutang-lutang sa ilog sa Brgy. Poblacion na positibong kinilala ng kanyang asawa.

Palutang-lutang din ang katawan ng 14-anyos na si Nagtalon sa riverbank ng Sitio Tikal, Brgy. Catmon, Sta. Maria nang makuha ng mga awtoridad.

Habang may suot na brown T-shirt at blue na underwear ang lalaking nakuha naman sa Marilao River sa Bgy. Tabing Ilog.

Matatandaang noong ka-sagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Miyerkules, isang anim na buwang sanggol at apat pang katao, kabilang ang dalawang 60-anyos ang nalunod sa tubig-baha sa Malolos City, San Ildefonso at Balagtas, Bulacan.

Kinilala ang mga nalunod na sina Eyeir Kylle Anob, 6-month-old, residente ng Brgy. Look 1st; at Amado Capule, 65 anyos, STL bet collector, taga-Brgy. Look 2nd, pawang sa Malolos City; Jomar Laulan, 19 anyos, Erjohn Roque, 14, 3rd year high school, residente ng Sitio Ibayo, Brgy. Pinaod, San Ildefonso; at Angelina Quinto, 60 anyos, dalaga, mentally-ill, taga-P. Castro St., Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

Inaasahan na marami pang bangkay ang maglulutangan sa mga darating na araw dahil may mga ulat pang mga taong nawawala sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga Bangkay sa Hagupit ng Habagat, Naglutangan na

  1. nalunod din po sa ilog ng bagong silang caloocan city ang tiyuhin kong si Fernando bagaporo edad 48yrs old noong aug. 8, 2012 nakasuot po xa ng maong short na 6 pocket at white na jersey ang kanyang damit…humihingi po kami ng tulong baka sakaling may nakakuha na sa kanyang bangkay isang lingo na po kaming naghahanap dpa rin po namin xa matagpuan. eto po ang aking contct no. 09103171208/09328499551

Leave a Reply

Your email address will not be published.