Mga Bala at Armas, Nakumpiska sa Ilocos Norte

NAKAREKOBER NG mga armas at bala sa magkakahiwalay na lugar matapos na ipatupad ang search warrant operations ng PNP sa apat na lugar sa Ilocos Norte.

Narekober ng mga kasapi ng PNP sa lalawigan ang tatlong klase ng baril mula kay Felicito Revilla, residente ng Brgy. Caray, Nueva Era, Ilocos Norte.

Kabilang dito ang isang M-22 pistol o kalibre .22, isang kalibre .38 at isang homemade shotgun, dalawang eks-plosibo at ilang magazine para sa iba’t ibang klase ng baril, mga bala para sa kalibre .45, kalibre .22, kalibre .38 at para sa 5.56 o M16 armalite rifle, isang black coaster at mga bahagi ng baril.

Nakuha naman ng PNP ang umaabot sa 17 packs ng bala ng kalibre .30, nasa 10 piraso ng bala ng M14 at kapsula ng iba’t ibang baril mula sa isa pang suspek na si Mark Gil Macugay, residente rin ng Brgy. Caray sa bayan ng Nueva Era.

Sa pangatlong ope-rasyon ay narekober ng PNP ang isang granada at isang motorsiklo na improvised ang plaka mula kay Joey Sia, residente ng Brgy. Cabittaoran, Nueva Era.

Ang tatlong suspek ay pare-parehong nasa kustodiya ngayon ng PNP matapos walang maipakitang kaukulang dokumento sa mga nakumpiska sa kanila.

Sa ika-apat na ope-rasyon ng PNP, nakuha ang isang armalite at kalibre .45 kay Brgy. Chairman Jesse Ermitanio ng Brgy. Elizabeth, Marcos, Ilocos Norte ngunit ang mga naturang baril ay parehong may lisensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.