Mga Bagong Senador, Sumailalim sa Oryentasyon

SUMAILALIM SA oryentasyon ang mga baguhang senador kaugnay sa iba’t ibang tanggapan sa mataas na kapulungan pati na ang magiging papel nila sa pagbubukas ng 16th Congress ngayong Hulyo.

Dumalo sa oryentasyon sina Senador Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Sonny Angara at JV Ejercito habang si Sen. Bam Aquino naman ay noong nakaraang linggo pa natapos sa oryentasyon.

Nagsalita sa orientation ang mga kinatawan ng ilang tanggapan sa Senado gaya ng secretariat, sergeant-at-arms, legislative services at iba pa.

Ayon kay Ejercito, bukas siya sa mga payo ng kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada.

Samantala, hindi dapat maging hadlang sa trabaho bilang mambabatas ang hidwaan nilang magkapatid, ani ng mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.