Mga Bagong Prinsesa ng TV5, May Scandal?!

MAY MGA BAGO nang pantapat ang TV5 sa mga de kalibreng female stars ng Dos at Siyete dahil ipinakilala na rin ang mga freshest faces nito na handang makipagbanggaan at makipagsabayan sa aktingan. Kung ipinagmamalaki ng Kapamilya Network ang gaya nina Bea Alonzo, Kim Chiu, Maja Salvador, Angelica Panganiban etc. at ang Kapuso territory ay mayroong Marian Rivera, Rhian Ramos, Heart Evangelista, Lovi Poe at iba pa eh, ‘di pahuhuli ang mga Kapatid sa pagsibol ng mga bagong prinsesa ng nasabing istasyon. Kung sa pagpipindot-pindot n’yo ng remote control at napapadaan kayo sa TV5 eh, siguradong nakita n’yo na kung paano ipinopromote ang kanilang new netwok’s pride, huh! Ang mga masuwerteng girlalu ay sina Alex Gonzaga (former Kapamilya), Danita Paner (singer actress), Arci Muñoz, (former Kapuso), Eula Caballero, Ritz Azul (TV5 Star Factor Graduate) at Jasmine Curtis (younger sister of Anne Curtis). Sila ang bagong aabangan, hahangaan at pagpapantasyahan? He-he, chos! Pero, ano itong nakarating sa amin na may tinatago raw na iskandal ang mga hitad? Trulili ba ito?

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.