Mga Bagong Anghel ng Celebrity Moms

NGAYON TAON, hindi nagpahuli at humabol pa ang ilang female celebrities na nagsilang ng kanilang mga mumunting anghel tulad ni Gladys Reyes na isinilang ang ikatlong anak nila ni Christopher Roxas. Pinangalanan nilang Grant Carlin Sommereux. Hango sa French words meaning “great,” at “little champion. Feel-na-feel din daw ng two older children nilang sina Christophe at Aquisha ang pagkakaroon ng additional member in the family.

Nagluwal naman si Carlene Aguilar ng anak nila ni Yo Ocam-po, na isang baby boy named Marcus Iñigo. Nanganak din ang bestfriend ni Carlene na si Sherilyn Reyes sa asawa nitong si Christopher Tan. Babae naman ang anak ni Sherilyn, si Anya Sab-rina. Sa kasalukuyan, tatlo na ang mga supling nina Sherilyn at Christopher, ang dalawa pa nilang anak ay sina Quirsten, 9, at Paoie, 12.

Nagsilang namang muli ang kaibigan ni Sherilyn na si Manilyn Reynes sa long-time partner nitong si Aljon Jimenez. Halos magkasunod lang silang nanganak, pero mas natagalan sa ospital si Mane. Bale pangatlong baby boy ito ng aktres.

After mawala sa showbiz world, nagsilang na rin ng isang malusog na baby girl si Sunshine Dizon. Ito ang unang anak ng aktres sa kanyang mister na si Timothy Tan, at pinangalanang Doreen Isabel. Napapabalitang magbabalik na sa telebisyon ang magaling na aktres ngunit hindi na raw sa bakuran ng GMA-7 kundi sa bakuran na raw ng TV5. Nagpapapayat daw muna ang aktres para sa kanyang bonggang pagbabalik.

Humabol na rin sa pagsilang ng kanilang baby sina Andi Eigenmann, Denise Laurel, Cheska Garcia-Kramer at Glydel Mercado. Pinangalanan ni Andi ang kanyang baby na Adriana Gabrielli. Normal delivery ang gustong paraan ng panganganak ng young actress, pero tila nag-high risk ito kaya nagdesisyon ang mga doktor na i-caesarian siya. Nanganak na rin si Denise matapos na magtago noon at hindi tinapos ang serye na Kristine kasama si Cristine Reyes. Inamin nito na hindi siya umalis ng bansa at dito nagsilang. Inihayag din niya na isang Italian-American ang ama ng anak niya ngunit tumangging pangalanan at hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila, pero madalas umanong bumiyahe ang kanyang partner kaya minsan ay siya ang bumibiyahe para makasama ito. Isinilang naman ni Cheska ang kanyang anak na nagngangalang Scarlett Louvelle. Ito ang second daughter ni Cheska at asawang basketbolista na si Doug Kramer. Malusog din ang kay Glydel na anak ng aktres sa asawang si Tonton Gutierrez na pinangalanan namang Aneeka Marie.

Isang malusog na baby boy naman ang kay Regine Velasquez via caesarian section, at pinangalanan nila ito ng mister niyang si Ogie Alcasid ng Nathaniel James. Mismong si Ogie naman ang nagbandera sa buong mundo ng panga-nganak ng kanyang misis. Sa pamamagitan ng Twitter, naipabatid ni Ogie ang kanilang kaligayahan sa paglabas sa mundo ni Nathaniel James, na unang anak na lalaki ng singer-actor. Dalawang babae ang naging anak niya sa dating asawang si Michelle Van Ei-meren, sina Leila at Sarah.

Kaya naman sa lahat ng celebrity moms na nagsilang ng kanilang bagong anghel this year… congratulations, girls!

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.