Mga artistang wagi at talunan sa eleksyon

NAGBUBUNYI ANG mga taga-showbiz, dahil ang sinuportahan nila at ng buong Pilipinas ay nag-number one pang senador, si Sen. Grace Poe.

Bongga ring mag-endorse si Tita Susan Roces, ‘no? In-endorse din nito si Chiz Escudero at nag-number three sa partial unofficial.

Tulad nga ng bilin ni Tita Susan kay Sen. Grace ‘pag nakaupo na, “Pagbutihin mo!”

 

SI NANCY Binay naman ay hindi na natinag sa no. 5. Nagtataka ang mga twitter followers kumbakit nanalo si Nancy? Eh, gano’n talaga? Hindi naman ‘yung gusto mong mangyari ang mangyayari.

Maaaring sympathy vote na ang hinamig ni Nancy para manalo siya. Eh, siya ba naman ang lait-laitin sa twitter na kesyo walang alam, alalay lang ng tatay niya. Ni hindi man lang daw nag-Barangay Captain.

And worse, pati kulay niya ay inokray na ng iba, kaya sino ba naman ang hindi maaawa kay Nancy, ‘di ba?

Sa totoo lang, kahit kami, hindi namin ibinoto si Nancy, eh. Pero hindi naman kami umabot sa puntong kailangang maliitin namin ang kanyang kapasidad at okrayin ang kanyang kulay, eh sa ‘yan ang kulay ng Pinoy, eh.

Pero dahil nanalo si Nancy Binay, eh sino kami para magalit? Nandiyan na ‘yan, eh. Accept and move on lang naman ang drama diyan.

Nakakalokah nga ‘yung iba, eh. Nagagalit eh, hindi naman ibinoto si Nancy. Ngayong wagi ang lola mo, lalo silang nagagalit. Hahahaha! Juice ko, kesa iinit n’yo ng ulo ‘yan eh, hayaan n’yo na.

Patunayan na lamang ni Nancy na hindi niya sinasayang ang boto ng taumbayan sa kanya at hindi lang siya anak ng tatay niya. Patunayan niyang kaya rin niyang makipagdebate sa floor hanggang sa ma-realize ng mga umookray sa kanya na mali sila at dapat silang humingi ng sorry sa kanya.

Kung may mapapatunayan siya, malaking tulong ‘yon para sa kandidatura ng dad niya bilang Presidente. Pero kung waley ang performance niya sa Senate, malaki rin ang epekto nito sa pagtakbo ng tatay niya bilang Pangulo.

 

WAGI ULI si ER Ejercito, pero ang dalawa niyang kapatid na tumakbong board member na sina Gherome Ejercito at Gerald ay hindi pinalad, samantalang nangunguna naman bilang board member ang reeleksiyonistang si Gary Estrada.

Nakakalungkot lang na hindi rin nabigyan ng chance si Richard Gomez na maging mayor ng Ormoc City at ganu’n din si Joey Marquez bilang Congressman sa 2nd District ng Parañaque.

Wagi naman ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana bilang Konsehal sa Quezon City at sa Parañaque respectively. Ganu’n din si Alma Moreno na reeleksiyonistang konsehala sa Parañaque.

Hindi naman pinalad si Tita Annabelle Rama sa Cebu bilang Congresswoman, dahil mga 80 thousand votes ang lamang sa kanya ng kalaban. Kala pa naman namin malakas si Tita A sa mga pictures na ipinapakita sa Instagram ng mga anak niya.

Sa Manila naman ay siyempre congrats kina Erap at Isko Moreno as mayor and vice-mayor respectively. Pumasok din bilang konsehal sina Robert Ortega at Yul Servo.

Yehey naman para kay Aga Muhlach bilang Congressman sa Camsur, ganu’n din ang ipinagdasal din naming magwagi na si Leni Robredo. Natalo naman si Christopher de Leon sa Batangas bilang Congressman, pero landslide victory naman para kay Ate Vi.

Si Roderick Paulate ay pasok uli bilang konsehal sa second District ng Quezon City at wala namang kalaban si QC Mayor Herbert Bautista. Congrats din kay Alfred Vargas na waging congressman sa QC.

Natalo rin si Ervic Vijandre bilang Konsehal ng Taguig samantalang wagi namang Congressman si Direk Lino Cayetano. Si Jolo Revilla naman ang wagi bilang vice-governor ng Cavite.

Nako, marami pa kaming dapat batiin at kalamayin ang loob, pero hindi na namin nabanggit. Anyway, ibang klaseng kumaway ang politics talaga, ‘no? ‘Pag wala kang pera o sapat na pondo hanggang araw ng halalan, pag-isipan mong mabuti bago pumasok.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Mga artistang wagi at talunan sa eleksyon

  1. yong mga taong bumabatikos k nancy yon mga taong tauhan ng isang pulitikong talunan hindi matangap n talo ang manok nila samantalang mistiza (daw) at maganda.(daw) ang gusto kong magsalita c vice ganda (daw) kc sobrang nilait din n vice c nancy. ngayon nasaan ang manok niya? bk nman pang kalsada lang ang beauty ny.

  2. buti nga kay annabelle rama talunan haha! ang kapal kasi ng fez na tumakbo eh wala namang kwenta hha

  3. ACTUALLY, NAGULAT AKO KAY E.R. HA. PURO BATIKOS ANG NABABASA KO ABOUT HIM PERO SYA RIN PALA ANG MANANALO. I GUESS GUSTO PA RIN SYA NG MGA TAGA-LAGUNA.

    TAMA NGA, OGIE. OVER NAMAN ANG MGA BATIKOS KAY NANCY BINAY. YUNG LAIITIN SYA TUNGKOL SA WALA NAMAN DAW SYANG EXPERIENCE AT DALA-DALA LANG ANG APELYIDONG “BINAY” EH OK LANG. PERO YUNG LAIITIN BA ANG KULAY NG BALAT AT TAWAGING “ULIKBA?” GRABE. PATUNAY LANG NA ANG MGA PINOY EH MAGALING LANG SUMIGAW NG INJUSTICE PAG NADI-DISCRIMINATE ABROAD, PERO SA SARILING BANSA, SILA MISMO ANG NAGDI-DISCRIMINATE AT BIASED. MAS MALALA YON KASI SELF-DESTRUCTION YAN, YUNG BIAS AGAINST YOUR OWN COLOR OR RACE. DEVAH?

    SI ANNABELLE, WELL, DI NA KATAKATAKA SA PAGKATALO. HAHAHAHA. SI AGA, WELL, PATUNAYAN NYA NGAYON NA MAY “K” SYA. AT SI GOMA, NAKOH, NAGDUDUMILAT NA ANG KATOTOHANAN NA DI KA PWEDE SA POLITICS. PRAMIS! HAHAHAHA. SI CHRISTOPHER DE LEON, JUICE MEH, SA MGA NABASA AT NAKITA KONG PICTURES NITO WITH BATANGUENOS, PARANG DI MO MA-FEEL ANG PAGIGING SINCERE NYA. THERE’S A WALL BETWEEN HIM AND BATANGUENOS. PARANG DISTANT. WALANG KONEK WITH THE MASA. AYUN, NAWALAN NGA NG KONEK! TALUNAN ANG JUNAKIS SA BB PILIPINAS, TALUNAN DIN SYA SA POLITIKA. NAKOH, MAG-CONCENTRATE NA LANG SA SHOWBIZ.

  4. ANG NAGPATALO KAY ANNABEL RAMA SI CHITO ALCID AT AMALIA  KASI NAKITA NG MGA TAGA CEBU ANG PAGWAWALA NIYA SA BUROL NI TITO DOLPHY.TOO SOON.DI PA NALILIMUTAN YUN NG MGA BOTANTE TITA.

  5. SAYANG SI GOMA KASI SI LUCY TORRES MAGALING NA CONGRESSWOMAN.BUTI NAGWAGI ULIT.BAKA YUNG NAKATALO SA KANYA  NASUBUKAN NA.

  6. SINUBAYBAYAN KO ANG ANG MGA TWEETS AT INSTAGRAM NI RUFFA AT CUTIE DEL MAR.IISA LANG MASASABI KO.NAGWAWAGI ANG MGA TAONG MAPANG KUMBABA AT TAHIMIK LANG.
    PLEASE COMPARE THEM YOURSELF.I SALUTE YOU ,SMART PEOPLE OF CEBU.

Leave a Reply

Your email address will not be published.