Mga Armas ni Chairman, Kumpiskado

MARIING SINABI ni Brgy. Chairman Cornelio Balintona ng Brgy. Sta. Rosa, Sarrat, Ilocos Norte na pawang lisensiyado ang kanyang mga baril.

Aminado naman ang nasabing kapitan ng barangay na wala siyang hawak na permit to carry outside residence para sa mga nakumpiskang baril.

Nakumpiska sa raid ang anim na armas at apat dito ang sinasabing pag-aari ng kapitan habang ang dalawa ay pag-aari ng ama at isang kapatid.

Ang kanyang mga armas ay isang M16, isang cal. 45, isang cal. 32 at isang 9mm habang ang kanyang ama ay shotgun at cal. 45 naman para sa kapatid, ayon pa kay Balintona.

Idinepensa ng kapitan na sadyang mahilig lang siya sa mga baril habang inilaan naman para sa self-defense ang baril ng ama at kapatid.

Samantala, maliban sa mga armas ay nakumpisa din ang iba’t ibang uri ng bala at magazine.

Ang raid na ipinatupad ng mga kasapi ng Regional Intelligence Group ay hinihinalang nag-ugat sa pagpapaputok umano ng kapitan sa kanyang baril kapag may inililibing kahit isang sibilyan lang.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang beripikasyon ng mga kinauukulan sa mga dokumento ng mga armas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.