Mga anak ni Raymart Santiago, nanganganib kay Claudine Barretto?

Raymart-SantiagoSABI NILA bumabalik na raw ngayon sa social media si Claudine Barretto. Ibig sabihin okay na siya dahil nagpu-post na yata ng mga pictures niya sa Instagram account niya kasama ang mga anak niya.

Alam ko, sa susunod na buwan na magri-resume ang hearing ng mga kaso nila ni Raymart Santiago kaya magkikita na naman sila sa korte.

Na-interview ng Startalk si Raymart nu’ng last week. Sabi niya, ang concern lang naman daw niya, ang mga anak niya.

Gusto raw niyang makasama ang mga anak niya at ang iniisip daw niya ang kaligtasan ng mga anak niya.

Anong kaligtasan kaya ang ibig niyang sabihin?

Nanganganib ba ang mga anak niya kay Claudine?

Nakararating ba sa kanya ang mga kuwento tungkol sa dating asawa? Sabi naman niya, wala raw siyang alam. Pero siguro ayaw na lang niyang magkuwento.

Basta nami-miss na raw niya ang mga anak niya at soon daw makakasama niya ang mga ito.

Tingnan na lang natin kung ano ang kalalabasan ng kaso nila.

Gusto raw niyang magpaka-active na lang sa showbiz, at malaki nga raw ang nagawa ng Villa Quintana sa mga drama niya sa buhay dahil nagagamit daw niya ‘yun sa mga drama scenes niya.

‘Yun na!

 

NA-INTERVIEW PALA si Raymart ng Startalk sa surprise party nila kay Paolo Contis nu’ng nakaraang linggo.

In fairness ang close nilang lahat sa Villa Quintana kaya naman nakikita rin sa programa nila ang magandang samahan.

Talagang kinarir nila nang husto ang party nila kay Paolo na sobrang na-touch sa binigay na party ng mga kasamahan niya sa Villa Quintana.

Thirty years old na pala ang alaga ko at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na hindi raw siya pinabayaan sa mga hirap na pinagdaanan niya.

Pati sa GMA 7 na talagang hindi raw siya iniwan nu’ng panahong namumroblema siya.

In fairness nga naman sa GMA 7, hindi talaga nila pinabayaan si Paolo.

Ngayon ay inaayos na raw ang annulment nila ni Lian Paz at malaki rin daw ang naitulong ng GMA 7.

Hindi pa niya masabi ang buong detalye, pero tingin daw niya malapit na itong madesisyunan.

Mabuti naman kahit hiwalay na sila ni Lian at pareho silang cooperative sa annulment ng kanilang kasal, magkaibigan pa rin sila para sa kanilang dalawang anak.

May kani-kaniya na silang lovelife at hindi naman daw nakakaapekto sa pagiging magulang nila sa kanilang mga anak.

Pero ang dinig ko, break na yata si Lian sa boyfriend niya ngayon at ayaw na raw niyang ma-in love pa uli.

Wala namang masabi riyan si Paolo. Hindi naman nila pinapakialaman ang lovelife nilang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Mga anak ni Raymart Santiago, nanganganib kay Claudine Barretto?

Leave a Reply

Your email address will not be published.