Clickadora: Mga Anak ni Bakekang, muling nagkita!

Naaalala n’yo ba ang palabas na Bakekang na pinagbidahan ni Sunshine Dizon sa GMA Telebabad mahigit dalawang taon na ang nakararaan? Minahal ng publiko ang nasabing palabas pati na rin ang dalawa pang anak ni Bakekang na sina Charming (Yasmien Kurdi) at Kristal (Lovi Poe).

Nakunan ng ating singing camera ang mala-reunion na tagpo between the two onscreen sisters sa PMPC Star Awards for Music last month. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nabibigyan ng proyekto na magkasama kaya siguro sabik silang makita ang isa’t isa. In fairness, parehong talented ang dalawang hitad. P’wede rin silang pagsamahin ulit, ‘di ba? Whatchathink?!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.