Mga alegasyon ni Kris Aquino, inalmahan ni Renan Morales

 alt=

ISA-ISANG sinagot at klinaro ni Renan Morales ang mga alegasyon ni Kris Aquino laban sa kanya at sa kanyang inang si Rhodora Morales.

Renan Morales & Kris Aquino

Sa pahayag ni Kris sa istoryang lumabas sa PEP.ph noong April 10, tahasang niyang itinanggi ang mga balitang lumabas sa mga tabloid na nag-uugnay sa kanila ng konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija.

Sa video message na ipinost sa Facebook account na Bespren Foundation nitong April 17, nilinaw ni Renan ang mga tsismis sa kanila ni Kris.

Sabi niya, “Regarding sa comment ng isang diyaryo na nakalagay ro’n na sinabi ko raw na si Kris is in love with me, never ko pong sinabi ‘yun ever. At kahit po totoo man ito, hindi po kayang sabihin ng konsensiya ko ang mga ganitong bagay. It’s very inappropriate para magsabi ako ng mga ganitong bagay.”

Pagkukuwento ni Renan, “Noon pong nag-meet ang family namin and si Miss Kris, sobrang casual, very friendly. Ang ganda ng usapan namin.

“And, of course, nung nakuha na namin siya as an actress, nung nag-sign up siya with us, si Miss Kris naman, normal na pinapadalhan siya ng flowers, normal na pinapadalhan siya ng balloons ng lahat ng fans, ng lahat ng mga producer niya. Kapag nagkasakit si Miss Kris, maraming dumarating sa kanya.”

“So the moment po na nagkaroon kami ng business, nagkaroon kami ng agreement, so naging ano na po kami, nagkaroon kami ng harmony, may relationship na po na na-build, yung The Ultimate team and yung grupo ni Miss Kris. All-out support kami and open po sa public kasi ipinu-post naman ito ni Miss Kris,” pahayag pa ni Renan.

Sa nasabi pang interview ng PEP.ph kay Kris, nabanggit niya ang mga katagang “super-use-me-in-a-sentence”, na pakiramdam umano niya, masyado siyang nagamit ng mag-ina.

Hindi naman makapaniwala si Renan na masasabi nga ni Kris ang mga katagang iyon at pinilit pa niyang unawain ang TV host-actress kung bakit iyon nasabi.

Aniya, “Actually po, siyempre nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence’. Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito. Nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris, kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris.

“And talagang ang mommy ko, sobrang naniniwala siya about the show. And talagang ginawa niya, nagpursige, nagpagod po ang lahat ng team para mabuo itong ‘Trip NI Kris’ na show.

“Kaya po itong ‘use me’ na sinasabi ni Miss Kris… in general po ba ito na nagamit siya? Of course, siyempre nu’ng hinire namin siya professionally as an actress, okay, para i-feature ‘yung magagandang lugar sa Philippines. Number one nga po, ipinromote namin ‘yung Nueva Ecija, since kami nga po ay taga-Nueva Ecija.

“So, in behalf of the whole Nueva Ecija, gusto naming ipakita sa buong Pilipinas na ang Nueva Ecija, e, meron nang tourism. Meron po kaming masasarap na pagkain at meron pong magagandang tanawin, kung sinong pumunta sa aming bayan, at maraming-marami pa kami na gustong i-feature doon.

“So, kaya du’n sa nagamit po siya, I believe, siguro sinabi niya ‘yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa. So, ‘yun po ‘yung sa tingin ko na sinasabi ni Miss Kris,” paliwanag pa ni Renan.

May alegasyon din ang TV host-actress na “super na-delay” ang payment sa kanya ng Ultimate Production ng mag-inang Morales na nag-produce ng kanyang TV special na “Trip Ni Kris” na ipinalabas sa GMA noong April 9.

Itinanggi naman ito Renan at ipinakita pa niya mula sa kanyang cellphone ang litrato ng umano’y mga resibo ng kanilang full payment kay Kris na may mga petsang February 27 at March 30 kapwa ngayong taon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Renan kaugnay ng mga isyu:

Bespren Renan humbly clears issue with ongoing rumors regardin…

Bespren Renan humbly clears issue with ongoing rumors regarding #tripnikris

Posted by Bespren Foundation on Sunday, April 16, 2017

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.