Mga Ahensya ng Gobyerno, Handa na sa Undas

TINIYAK NG Palasyo na handa na ang mga ahensya ng gob-yerno na may kaugnayan sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan para sa Araw ng mga Patay.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nakalatag na ang mga paghahanda ng Philippine National Police (PNP) partikular sa mga pangunahing sementeryo, terminal ng mga pampublikong sasakyan at paliparan na karaniwang dinadagsa ng tao.

Handa na rin aniya ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang panatilihing maayos ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at expressway na dadaanan ng libu-libong motorista sa pagsapit ng Undas.

Samantala, ibinigay na rin ng Palasyo ang mga emergency hotline numbers na maaaring tawagan ng publiko kung mayroong hindi magandang pangyayari, o kaya’y may mga banta sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Pinayuhan din ng Malacañang ang publiko na maging mapagmatiyag at maging alerto sa mga ‘di kaaya-ayang pangyayari sa kapaligiran.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.