Mga ‘Anak ng Jueteng’ sa Caloocan

TALAGA UMANONG HINDI gumagawa ng kaukulang aksiyon ang Caloocan City police laban sa mga iligal na sugal sa nasabing lungsod sa takot na masibak o kaya ay maipatapon sa malayong lugar.

Ito umano ang pakiwari ng mga residente ng nasabing lungsod sa dahilang nakatali ang magkabilang kamay ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Santos kaya hindi mapatigil ang talamak na Jueteng at Lotteng sa kanyang area of responsibility (AOR).

Sinabi ng ilang police insider na natatakot umano si Santos na matulad kay dating Caloocan chief of police Sr. Supt. Leo Gara na sinibak dahil pinaghuhuli nito ang mga kubrador ng Jueteng na pinaniniwalaang hawak umano nina Marc Echiverri, Rasel Ramirez, at isang alyas “Sherwin”, na mga tinagurian umanong mga “anak ng Jueteng” sa nasabing lungsod.

Diumano, ang tatlong nabanggit na pangalan ay pawang mga “untouchable”, dahil nakasandal umano ang mga ito sa pader na hindi kayang buwagin ng kahit na sino.

Sinabi pa ng source na kahit umano sina PNP Director Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo at NCRPO Chief Nicanor Bartolome ay hindi umano matinag-tinag ang naturang iligal na Jueteng sa Caloocan City.

“Sina Echiverri, Ramirez at Sherwin ang nagsisilbing “anay” na sumisira sa buhay ng mga taga-lungsod dahil kakainin na lamang ay naitataya pa sa Jueteng,” wika ng isang Mang Serafin, 60, ng Camarin.

Sinubukan ng Pinoy Parazzi na kunin ang panig ng tatlong nabanggit na personalidad, subalit hindi sumasagot ang mga ito. Nanatiling bukas naman ang pahayagang ito sa anumang reaksiyon ng mga nabanggit.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.