Metro Manila, Walang Banta ng Panganib – PNP

KASALUKUYANG BINIGYANG katiyakan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang “imminent threat” silang natatanggap sa Metro Manila at mga karatig lalawigan, sa kabila ng ipinalabas na warning ng US Embassy.

Ayon kay NCRPO director C/Supt. Leonardo Espina, all-set ang mga ipinatutupad na security system ng Philippine National Police (PNP) kung kaya’t wala aniyang dapat ikaalarma ang publiko.                                                                                                          Siniguro rin ni Espina na may sapat na puwersa at paghahanda sila para sa pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga ta-takbo sa 2013 elections, simula ngayong araw.                                                                                                                   Una rito, tiniyak na ng security forces ng pamahalaan na walang dapat ikabahala ang Estados Unidos sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan sa Pilipinas.

Sa harap ito ng isang “emergency message” na inilabas ng US Embassy, kung saan pinapayuhan ang mga US citizens na mag-ingat laban sa natanggap na banta umano sa kanilang seguridad.                                                                                                                       Ang nabanggit na banta umano sang-ayon sa ‘reliable security forces’ ng US Embassy ay magtatagal hanggang Oktubre 10.

Inilabas ang naturang babala ng US sa gitna ng mga protesta laban sa sinasabing anti-Islam documentary na ginawa ng isang Egyptian-American.

Ayon naman kay AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos, wala silang natanggap na direktang banta laban sa mga US nationals sa bansa.

Agad naman silang makikipag-ugnayan sa PNP at ibang security agencies para mapalakas ang intelligence gathering at monitoring efforts, ani Burgos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.