Metro Cities, Aampunin ang mga Nasalantang Bayan

TUTULONG ANG mga lungsod sa Metro Manila sa mga bayan sa Visayas na sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Sa pamamagitan ng Adopt-a-Town Program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aarugain ng mga alkalde ang mga lugar na binagyo sa loob ng isang taon.

Narito ang listahan ng mga lungsod at kani-kanilang aampuning lugar: Quezon City – Palampon, Tolosa, at Sante Fe sa Leyte; Pasig City – Mayorga, Palo, Barotac Viejo at Nuevo, at Dumangas sa Iloilo; Mandaluyong City – Isabel at Tanauan, Leyte;  Marikina City – Hernani at Lorente, Eastern Samar; San Juan City – Ormoc City at Albuera, Leyte; Taguig City – Gen. McArthur, Guiuan, Salcedo, Mercedes at Quinapondan sa Eastern Samar; Las Piñas City – Julita at Dulag, Leyte; Caloocan City – Abayog, Mc Arthur, La Paz sa Leyte; Malabon City – Bogo, Cebu;  Navotas City – Lawaan at Giporlos, Eastern Samar; Valenzuela City – Basey at Marabut sa Western Samar;  Parañaque City – Maydolong at Balanginga, Eastern Samar; Pasay City – Barauen, Tabon-Tabon, Dagami sa Leyte;  Muntinlupa City – Alang-Alang at Jaro sa Leyte; Manila – Balangkayan at Taft sa Eastern Samar; Makati City – Carigara, Leyte; at MMDA – Coron, Palawan at Sulat, Eastern Samar.

Binuo ng MMDA ang naturang programa para mapabilis ang pagbangon at pagbalik sa normal ng mga nasalanta ng kalamidad.

Samantala, kabilang din sa mga proyekto ang pagpapaayos ng mga nasirang gusali lalo na ng mga tanggapan ng pamahalaang lokal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.