Messenger, Ni-Rape ang Dating Ka-Live-In

SWAK SA kulungan ang isang messenger matapos ireklamo ng paulit-ulit na panghahalay ng dating ka-live-in sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong Illegal Detention at 6 counts ng Rape si Marck Lugaray, 32, tubong Negros Occidental.

Sa pahayag ng biktimang edad 27, call center agent, ng PNR Compd., Caloocan City, ilang taon silang nagsama ng suspek subalit na-

pilitan siyang kalasan dahil sa ginagawang pananakit.

Noong nakalipas na Lunes, alas-9 ng gabi ay inabangan ng suspek ang biktima sa paglabas ng bahay at sinabing ihahatid sa ka-

patid na babae sa Pasig.

Tumanggi ang biktima subalit nang sabihin ng suspek na ihahatid lang at tuluyan na silang maghihiwalay ay napapayag ang babae.

Subalit sa halip na sa Pasig ay idiniretso ng suspek ang dalang motorsiklo sa dati nilang tinirhan ng biktima sa Tampoy 1, Marulas ng lungsod at doon kinaladkad papasok hanggang sa mahalay.

Ikinulong ng suspek ang biktima at paulit-ulit na hinalay at kamakalawa ay nakakita ng pagkakataon na makatakas ang babae na umuwi sa kanila bago sinabi sa mga kaanak ang nangyari.

Sinamahan ang biktima sa presinto at nagreklamo na naging dahilan upang damputin ang suspek at sampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.