Messenger ng STI, Natangayan ng P1-M

MAHIGIT P1 MILYON ang natangay sa messenger ng STI College sa Caloocan City ng apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki sakay ng dalawang motorsiklo habang ang una ay naglalakad papuntang bangko sa nasabing lungsod kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ni Ruben Sarguna, 49, messenger ng STI College sa 10th Avenue ng lungsod, alas-3:30 ng hapon, naglalakad sila ni Ricardo Clemente sa 11th Ave. upang ideposito sa BDO ang P1,185,345 cash at mga tseke na nagkakahalaga ng P46,606 nang harangin ng mga suspek.

Agad na tinutukan ng baril si Sarguna at sapilitang kinuha ang bag, kung saan nakalagay ang pera at mga tseke.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang nagsadya naman sa mga pulis sina Saguna.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Messenger ng STI, Natangayan ng P1-M

  1. Pingback: Messenger ng STI, Natangayan ng P1-M | Stock Markets

Leave a Reply

Your email address will not be published.