Messenger, Nahulog sa Ginagawang Gusali; Patay

PATAY ANG isang lalaking messenger matapos mahulog sa isang ginagawang gusali sa San Marcelino, Ermita, Maynila pasado alas-4:00 kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Homicide Section Investigator SPO1 Mario Asilo na inaalam pa nila kung paano nakaakyat sa ginagawang gusali ang biktimang si Leonida Villar, 38-anyos.

Base sa salaysay ng guwardya ng construction site na si Christian Roxas, nagulat na lamang siya nang biglang may kumalabog at nahulog mula sa hindi pa mabatid na palapag ng gusali, at nang kanyang usisain ay nakita niya ang duguang biktima.

Samantala, isinugod pa ang biktima sa Ospital ng Maynila pero binawian din ito ng buhay bago mag-alas-7:00 kahapon ng umaga.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung sadyang nagpakamatay o itinulak ang biktima mula sa nabanggit na gusali.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.