Meryll Soriano, tagasalo lang ni Megan Young – Julie Bonifacio

SPEAKING OF FALLING in love, eto sure na in love sa isa’t isa ang bagong couple na sina Meryll Soriano at Joem Bascon. Very visible na sila sa mga showbiz events na laging magkasama.

Alam na raw ng Papa ni Meryll na si Willie Revillame ang tungkol sa boyfriend niyang si Joem Bascon.  Wala naman daw tutol ang Papa niya.

Naging magkaibigan sina Merylle at Joem sa set ng I Love Betty La Fea. Madalas  lumalabas daw sila na grupo with some stars of Betty gaya nina John Lloyd Cruz, Ruffa Gutierrez, Thou Reyes, Megan Young  at iba pa. Anim sa kanila ang na-involve sa isang relationship. Kung sinu-sino sila ‘yung kay Meryll at Joem lang ang mako-confirm namin.

Pero ewan lang kung aaminin ni Joem na bago niya niligawan si Meryll, una niyang pinormahan si Megan. At nu’ng time naman na sasagutin na siya ni Megan saka naman nalaman nito na nililigawan din ni Joem si Meryll.

Nainip na ata si Joem sa sagot ni Megan at natakot na babastedin lang siya ng young actress kaya si Meryll na ang pinormahan ng hunk actor. At sinagot naman ni Meryll si Joem.

Other showbiz news today by Julie Bonifacio:

Provincial shows ng Wowowee, dinudumog pa rin

Anne Curtis, in love pa rin k ay Sam Milby

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

One thought on “Meryll Soriano, tagasalo lang ni Megan Young – Julie Bonifacio

Leave a Reply

Your email address will not be published.