Merry-Go-Round Style Jake Cuenca – Melissa Ricks – Jolo Revilla

NEVER NA NAKATANGGI pa si Melissa Ricks tungkol sa napapabalitang panliligaw noon sa kanya ni Papa Jake Cuenca. Ayon sa young actress, trulili na nagpadala ng fl owers ang binata at nagpapadala rin ng mga pagkain sa kanyang condo. Pero ‘di niya ma-elaborate kung panliligaw na ba ‘yon. Well, kung ganyan ang pananaw ng ilan sa panliligaw eh, ‘di ganun na nga ‘yun. he-he-he. Ang pausbong na pagtitinginan ng dalawa ay naudlot dahil sa pagpasok sa eksena ng anak ni Sen. Bong Revilla na si Jolo Revilla. Nakasama ni Melissa si Papa Jolo sa Pepeng Agimat kaya nagkaroon sila ng kakaibang bonding na humantong naman sa pagpapakilala ng binata kay Melissa sa kanyang father dear.

Kahit walang pag-aming nangyari sa kanilang relasyon, selos na selos daw si Jake kay Jolo. Pero nag ibang muli ang ikot ng kapalaran at may-Ishall return na naman sina Melissa at Papa Jake. Umiiwas daw kasi ang young actress dahil siya ang napupukol ng sisi sa hiwalayang Jolo at Lovi.

Tumanggi nga ang dalaga na makasama ang Kapuso actress sa isang pelikula dahil sa isyu. Haleer, Parang tsubibo na umiikot-ikot lang ang istorya ng kanilang trayanggulong pag-iibigan. Pustahan, sa mga susunod na araw ay baka masagap na lang natin na sina Papa Jolo at Melissa na uli. Merry go round talaga? Chos!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires


By MK Caguingin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.