Mercedes Cabral: The Indie Princess Goes Mainstream

‘THE PRINCESS of Philippine Indie Cinema’ ang titulong iginawad ng ilang movie enthusiast sa napakaseksing si Mercedes Cabral. Unang nakilala ang dalaga bilang kapares ni Coco Martin sa mga pelikulang Serbis at Kinatay bago nito kinarir ang paglabas sa samu’t saring indie films. Halos lahat na ‘ata ng genre sa pag-arte ay nagawa na niya – drama, comedy, horror, sexy, historical at marami pang iba. Versatile talaga si ateh!

Cinemalaya season na naman at bilang isang masugid na tagahanga ng Pinoy Indie Films, nabigla ako nang malaman ko na iisa lang ang pelikulang lalabasan ni Mercedes ngayong taon. Ito ay ang pelikulang Ang Nawawala (What Isn’t There) sa ilalim ng direksyon ni Marie Jamora.

Bakit nga ba iisa lang ang kanyang Cinemalaya entry? Well, naging busy ang morena actress sa mga TV projects tulad ng Precious Hearts Romances presents Hiyas sa ABS-CBN (na katatapos lang i-ere) at sa unang yugto ng Luna Blanca sa bakuran naman ng GMA-7. Very visible ang ganda at kamandag ni Mercedes sa dalawang magkaribal na istasyon! Winner!

Maliban sa kanyang Cinemalaya entry, marami pang nakalinyang movie projects na nakatakdang gawin ni Ms. Cabral. Isa riyan ang upcoming Cinema One Originals entry na Aberya at isang untitled comedy film.

Katatapos lang ng FHM Sexiest Women of 2012 Party at natuwa kami nang malaman naming tumaas ang ranking ng ating bida. From 100 ay umangat ito sa ika-76 spot. Tiyak na lalo pang tataas ang posisyon nito sa mga susunod na taon lalo pa’t may exposure na siya sa mainstream media. Nakatakda rin itong lumabas sa isang upcoming primetime drama show ng Kapuso Network.

Ngayon na tila in-demand na rin si Mercedes Cabral sa mainstream media, sinigurado naman niya sa kanyang fans na hinding-hindi niya tatalikuran ang mundo ng indie films. At least masasabi natin ngayon na unti-unti na ring nabibigyan ng importansya ang mga artistang tunay na may talentong ibubuga. Good luck sa ‘yo, Mercedes!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

11 thoughts on “Mercedes Cabral: The Indie Princess Goes Mainstream

  1. Keep it up :) She is my favorite actress of all. Mahirap yung mga roles na ginaganapan nya. Respeto lang po sa kanya. 

  2. DUH ANG SAGWA NG PAG ARTE NYA SA HIYAS LALO NA YUN OVER RATED NYAN PA SIGAW NA PAGDELIVER NYA NG LINE EEEWWWWW

  3. Bongga si Mercedes! Nilamon niya ng buhay si Megan sa aktingan sa Hiyas hahaha sana bigyan siya ng sariling show ng GMa

  4. magaling umarte si miss cabral sana magtagumpay siya lalo huwag lang masyadong magsosoot ng mga malalaswang damit.mukha tuloy siyang di kagalang galang

    • Tama, magaling syang umarte. Sana huwag gayahin si Ruffa Mae sa palaging all time display of cleavage nya para naman kagalang galang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.