Mercedes Cabral: Palaban, Walang Inuurungan!

MULING IPINALABAS SA mga sinehan ang sexy-comedy indie film na ‘Ligo na U, Lapit na Me’ na pinagbibidahan nina Edgar Allan Guzman at Mercedes Cabral. Ito ang naging pagkakataon ng mga moviegoers na hindi nakadalo sa Cinemalaya Film Festival noong Hulyo na mapanood ang nasabing obra ni Erick Salud. Ito ay base sa best-selling Pinoy novel ni Eros Atalia at sa screenplay ni Jerry Gracio.

Hindi naman kaila na ginampanan talaga ni Mercedes Cabral ang kanyang papel bilang Jenny sa pelikula. Ang kanyang karakter ay liberated na may itinatagong issues sa buhay. Hindi rin ito nagpahuli sa mga love scenes nila ni Edgar Allan Guzman, na siya namang nanalo bilang Best Actor sa Cinemalaya ngayong taon. Marami rin ang pumuri sa lalim ng pagganap ni Mercedes dahil kitang-kita sa kanyang mga mata ang pighati ng personalidad ng karakter na natoka sa kanya.

Napanood namin kamakailan sa YouTube ang music video ng indie rock band na Antimano para sa awiting ‘Beautiful Burns’. Maliban kasi sa pagpapakita ng kanyang sensual side, hindi rin ito nagpakundangan sa pakikipaghalikan sa ex-Mocha Girl na si Jhane Santiaguel! Marami ang nabigla at naloka sa mga maiinit na eksena, pero tastefully done naman ito at hindi bastusin. Tastefully done daw, o!

Ang morena sexy actress ang kontrabida ni Megan Young sa Precious Hearts Romances presents ‘Hiyas’, kung saan pinag-aagawan nila si Zanjoe Marudo. Sa ngayon ay wala pang final date kung kelan ito ie-ere sa Dos. Busy rin aktres sa pagshu-shoot ng ilang indie films, kung saan siya ang itinuturing

na isa sa mga prinsesa.

Isa si Mercedes Cabral sa mga babaeng artista ngayon na tuluy-tuloy lang ang pag-usad ng showbiz career. Sa totoo lang, naaalala namin si Maria Isabel Lopez sa kanya – palaban at walang inuurungan! Sana’y mabigyan din siya ng break sa mainstream ala Coco Martin. Why not, chocnut?!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

4 thoughts on “Mercedes Cabral: Palaban, Walang Inuurungan!

  1. tinulungan ako dati nitong babae na ito. salamat mercedes artista ka pala. naka maskara ka nuon nung hinoholdap ako nung dumating ka. pero kahit nakamaskara ka hindi ko makakalimutan yung mata mo at dodo mo. salamat mercedes!

  2. OO KRASTY! NILIGAWAN KO DATI YAN BINASTED AKO KASI ANG NORMAL KO DAW! SAKA MABILIS TALAGA SYANG GUMALAW SOBRANG LIKSI. HINDI KO MAINTINDIHAN. PARANG MGA KALABAN SA SHAIDER.

  3. NAKIKITA KO MADALAS TO SI MERCEDES DATI MAY GUSTO SAKIN TO NUON E. AYOKO LANG KASI MASHADO MALIKSI. ANG BILIS GUMALAW PARANG DUWENDE

Leave a Reply

Your email address will not be published.