Mercedes Cabral, Goodbye Indie Hello TV?

OLAAAA CHIKAAAA! SUNUD-SUNOD ang suwerte sa buhay ng aktres na si Mercedes Cabral na binansagang ‘Indie Princess’ at babaeng palaban at walang takot sa hubaran!

Matatandaang siya ang kapareha ni Coco Martin sa pelikulang Serbis na may sexy at kontrobersiyal na eksena na nakita pa ang notes ni Papa Coco!

Marami pang indie na ginawa si Mercedes at tunay na kinakitaan siya ng mga batikang direktor at film critics ng husay sa mga ginagampanang karakter. Ngayon ay tatahakin na rin niya ang mainstream. Kasama si Mercedes sa teleseryeng panghapon na Precious Hearts Romances Pre-sents: Hiyas ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Megan Young at Zanjoe. Siya ang kontrabida sa nasabing programa.

Tunay na aabangan ito dahil tiyak na ipapakita ni Mercedes ang kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon.

Sino kaya sa kanila ni Megan ang mapupusuan ni Zanjoe Marudo? Sino ang mamahalin ng taumbayan? Kaabang-abang talaga ang teleseryeng ito!

Bagama’t bago pa lang sa pagsabak sa TV si Mercedes, hindi na talaga matatawaran ang husay niya sa pag-arte. Nominated siya ngayon sa Gawad Urian 2011 as Best Actress sa pelikulang Gayuma ni Alvin Yapan.

Kahilera ni Mercedes sa nasabing nominasyon ang mga bigating pangalan sa industriya tulad nina Jodi Sta. Maria, Meryll Soriano, Rita Avila, Ces Quesada, at Laurice Guillen.

May bago ring pelikula si Mercedes under Brillante Mendoza, ang Prey na lalahok din sa Cannes International Film Festival. Marami na ang nagsasabing si Mercedes ang female version ni Coco Martin.

BLIND ITEM: SINO ang TV host-actress na itech na plasikan-to-the-max ang drama sa kapwa niya TV host-actress. Hindi nagpapansinan ang dalawa sa set ng kanilang show. Wala raw talagang imikan ang dalawa habang naghihintay silang isalang.

At sa harap ng camera, parang walang galit sa isa’t isa ang mga hitad, pero off-cam, dedmahan na uli sila!

Siguro naman mga ka-Parazzi, kahit hindi ko na i-elaborate pa ‘yan, mahuhulaan n’yo na kung sino sila!

For more chikka more fun, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali, saan pa? Sa DWSS 1494KHZ, kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. Subaybayan pa rin ang programa ko tuwing linggo sa DZRH 666KHZ, 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Mercedes Cabral, Goodbye Indie Hello TV?

  1. straight male daw si swarding! straight male daw si swarding! straight male daw si swarding!

Leave a Reply

Your email address will not be published.