Mercedes Cabral and her quest to stardom!

KUNG SI COCO Martin ay nag-umpisa muna sa indie films bago ito tuluyang sumikat bilang isa sa bankable actors ng Kapamilya network, hindi na kataka-taka kung ganito rin ang tatahaking landas ng sexy indie actress na si Mercedes Cabral.

Hindi na baguhan si Mercedes Cabral sa mga iba’t ibang independent film festivals. Sa katunayan nga, iginawad pa sa kanya ang ‘Most Glamorous Red Carpet Woman’ sa 61st Cannes Film Festival noong 2008 para sa pelikulang ‘Serbis’, kung saan sila nagtambal ni Coco Martin. Siya rin ang kauna-unahang artistang Pinay na miyembro ng APAN (Asia Pacific Actors Network) sa 13th Pusan Film Festival. Paborito rin siya ng ilan sa mga publishers ng male magazines sa bansa at paborito siyang kunin ng ilan sa mga Filipino independent movie producers.

Sa lahat ng mga pelikulang nagawa ni Mercedes Cabral, ang pagganap niya bilang isang Ina sa pelikulang ‘Ganap na Babae’ ng Hubo Productions ang pinaka-nagmarka sa mga moviegoers. Dito napatunayan ng dalaga na ‘she’s more than just a pretty face and a sexy body’. Mas magaling pa nga ito kaysa sa ibang artista natin d’yan, ‘noh!

Ipinalabas sa UP Diliman noong nakaraang Linggo at puro papuri ang natanggap ng aktres mula sa mga manonood. Nalaman pa namin na nakatakdang sumalang sa SoHo International Film Festival ngayong Abril sa New York ang trilogy movie na ito, na mula sa panulat at direksyon nina Sarah Roxas, Rica Arevalo at Ellen Ramos. Bida rin sa pelikula sina Marissa Sue Prado, Jam Perez at Boots Anson-Roa.

Nasilip namin kamakailan lang ang mga larawan na kuha sa promo pictorial ng Precious Hearts Romances presents: Hiyas, na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Megan Young. Si Mercedes ang gaganap bilang isang tribal princess. Tiyak na ipagtatapat sina Megan at Mercedes kapag nag-umpisa nang ipalabas sa Dos ang sexy-drama telenovela na ito. Big break din ito para kay Mercedes dahil ito na ang hudyat ng kanyang pagpasok sa mainstream scene.

Kung sa indie scene ay isa nang ganap na big star si Mercedes Cabral, hindi malayong magiging isa rin ito sa most important stars ng ABS-CBN. With the right projects and management, siguradong kasing bongga ng Mercedes Benz ang takbo ng karera ng morena beauty na ito.

For questions, comments and suggestions, kindly email us at pinoyfansclub.com. Visit our online hub at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.