Meralco, sinugod ng KMU

SINUGOD NG militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang tanggapan ng Manila Electric Company (Meralco) sa España, Manila bilang bahagi ng ikinakasang malawakang pagkilos kontra sa panibagong dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa grupo, dagdag-pahirap sa mga manggagawa ang ipapataw na P0.03 kada kilowatt hour (kWh) sa distribution charge ng Meralco.

Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang hirit na dagdag-singil sa kuryente kung saan mula sa P1.60/kWh ay magiging P1.63/kWh na ito.

Ang tuluy-tuloy na pagtataas ng singil sa kuryente ang isa sa mga sisingilin ng mga manggagawa sa dara-ting nilang pagkilos kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na Hulyo 23, banat pa ng nasabing grupo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.