Meralco, sinisi sa SC case

SA HARAP ng ginawang oral argument hinggil sa isyu ng power rate increase, hiniling ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Korte Suprema na huwag na silang idamay sa kaso.

Sinabi ng grid operator na nakaladkad lamang umano sila sa petisyon kontra sa nakaambang P4.15 per kilowatt-hour power rate increase dahil sa Manila Electric Company (Meralco).

Iginiit pa ng NGCP na ang lahat ng kanilang sinisingil ay mayroong “prior approval” mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), matapos ang serye ng public hearings.

Tinukoy pa ng power firm na wala silang kaugnayan sa generation charges na ipinapataw ng Meralco dahil ang kanilang sinisingil umano ay patungkol sa transmission charges.

Pinabulaanan din ng NGCP ang alegasyong nakikipagsabwatan ito sa mga generation companies para mamanipula ang suplay ng kuryente at mapaglaruan ang presyuhan nito sa merkado.

“NGCP has no means of colluding with the generation companies. NGCP has nothing to do with the generation charges imposed by generation companies upon generation customers. Its function is merely to assure that the transmission highways are reliable and secured,” pahayag ng naturang kumpanya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.