Meralco Refund, Inaasahang Maibibigay sa Mayo

POSIBLENG MAIBIGAY na ng Manila Electric Company (Meralco) sa susunod na buwan ang refund nito sa mga kustomer kaugnay ng double-charging na na-

kolekta mula Hunyo 2006 hanggang Agosto 2012.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Executive Director Atty. Francis Juan, pirma na lamang ng mga miyembro ng komisyon na kalahok sa deliberasyon para sa kautusang refund ang kulang at ipo-promulgate na ito sa mga susunod na araw.

Kung may matatanggap na aniya ang Meralco ngayong Abril ay kailangang mag-reflect agad ito ng reduction sa kanilang generation charge para sa billing sa May.

Nabatid na aabot sa P9.8 bilyon ang kaila-ngang ibalik sa consumers ng Meralco.

Binanggit naman ni Juan na ang proseso ng gagawing refund ay “credit to bill”.

Samantala, sakali namang lumipat na sa ibang lugar na hindi sakop ng Meralco ang isa nitong kustomer ay wala nang matatanggap na refund.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.