Meralco, Magbababa ng Singil Ngayong Disyembre

BAHAGYANG mararamdaman ang mababang bayarin sa kuryente ng mga sinusuplayan ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Ayon kay Joe Zaldariaga, head ng Meralco External Communications, kabuuang P0.31 ang ibababa sa kada kilowatt hour para sa bill ngayong Disyembre.

Bunga ito ng P0.15 pagbaba sa generation charge, P0.11 bawas sa transmission charge at nasa apat na sentimong bawas sa systems loss charge.

Samantala, inanunsyo rin ng Meralco na makatatanggap ng interes sa bill deposit ngayong buwan ang nasa 1.5 milyon na customer.

Dapat aniya ay sa susunod na taon pa matatanggap ng mga costumer na ang contract anniversary ay Enero hanggang Setyembre, subalit isinabay na ito ngayon sa mga may contract anniversary ng Nob-yembre at Disyembre.

Magugunitang simula 1980s ay humihingi na ng deposito ang Meralco sa mga magpapakabit ng kur-yente at taun-taon ay tumutubo ito batay sa umiiral na commercial interest sa mga bangko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.