MERALCO, BUKING ANG OVER-PRICING

IBINUKING KAHAPON ng National Association of Electricity Consumers for Reforms(Nasecor),ang over-pricing na ipinapatong sa singilin ng Meralco sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc,Manila.

Nabatid kay Butch Junia na lahat umano ng nakasulat sa billing details ng Meralco sa kanilang mga consumer ay halos mayroong “over-pricing” ang Meralco.

“Ginagawa nila ‘yung billing details na makikita ninyo sa mga billing kada buwan na ipinadadala, bilang bahagi ng kanilang strategy para lituhin ang publiko,” ani Junia.

Ayon pa kay Junia, system loss pa lang na binabayaran ng publiko mula sa generation, transmission at distribution ng kuryente, dapat ay sa distribution lang magbabayad, dahil hindi dapat sagutin ng publiko ang nawawalang kuryente sa pagkuha nila sa mga planta.

“Hindi tama ‘yon, sa pagkakaalam namin, dapat singilin lang iyong ibinibigay nilang benepisyo sa atin,” ayon pa kay Nasecor.

Sinabi pa ng consumer’s group na lumalabas na ang publiko na ang nangangapital at nagbabayad ng utang ng Meralco,  binibigyan pa ito ng malaking tubo sa serbisyo nito.

Napag-alaman pa na dapat P.90 sentimos lamang ang sisingilin ng Meralco sa PBR, pero lumalabas sa kanilang computation na umaabot sa P1.47 hanggang P1.64 ang kinokolekta ng Meralco.

Gayundin sa system loss na dapat ay 7.8% lamang sa kabuan na bayarin.

Nabatid na pinapayagan ng Energy Regulatory Commission na ilegal na pagbayarin ang mga consumer ng Meralco ng 12.8% sa ni-loan nitong P21 bilyon sa halip na 7% lamang ang kukunin sa consumer, na paglabag umano sa RA 9163 (EPIRA).

Nalaman ding umaabot sa may P79 bilyon ang hinahabol ng ilang consumer’s group sa iba’t ibang petisyon na isinampa laban sa over-pricing ng Meralco sa ERC. (ANTAX EMPLEO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.