Menor, Pinagtulungang Bugbugin ng 4

KULONG ANG apat na lalaki sa Quezon Province matapos pagtulungang bugbugin ang isang 15 anyos na binatilyo.

Kinilala ang mga suspek na sina Rho Chester Quirante, Charles Elvis Olino, Josenth Azas, pawang mga edad 19-anyos at Mamerto Olino, 48.

Sinabi ni PO1 Mary Joy Nangit ng PNP sa bayan ng Infanta nagsimula ang away nang mapag-initan ng tatlong binata ang biktima na bagong da-

ting lamang sa lugar.

Sinubukan pa sanang idaan sa pag-uusap ang away ng mga ito subalit habang papasok sa barangay hall ang hindi na pinangalanang biktima, bigla na lamang umano siyang sinipa ng isa sa mga salarin.

Dahil dito, rumesponde na ang tatlo pa maging ang ama ni Charles na si Mamerto.

Sugatan at duguan ang biktima sa nangyari na tinulungan naman ng kanyang ama subalit nabugbog din.

Samantala, kinasuhan na ang mga suspek at hinihintay din ng mga kinauukulan na magsu-mite ang mga ito ng kanilang kontra demanda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.