Menor, Paulit-Ulit na Minolestiya ng Titser

INIAKYAT NA sa korte ang kaso laban sa isang titser na nang-abuso umano sa kanyang 11-anyos na estudyante sa isang elementary school sa Isabela.

Base sa impormasyon, hindi na nakayanan ng bata ang ginagawa sa kanya ng kanyang 54-anyos na titser.

Noong Hunyo, tinawag umano ng titser ang bata sa loob ng kanilang silid aralan at dito na hinalikan ng guro sa labi ang kanyang estudyante.

Nasundan pa ang pang-aabuso noong Hulyo kung saan tinawag muli ng pinaghihinalaan ang biktima dahil mayroon umanong regalong ibibigay.

Piniringan ng salarin ang bata at saka ipinahawak ang ari nito.

Sinubukan ding magsumbong ng biktima subalit tinakot umano siya at sinabi umanong papaalisin sa eskwelahan.

Sinasabing hindi agad nakapagsumbong ang biktima dahil sa takot sa nasabing titser.

Samantala, tanging ang ama lamang ng bata ang kasama niya sa bahay dahil ang kanyang ina ay nasa kalakhang Maynila kaya’t nahiyang magsumbong sa ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.