Menor, Patay sa Bundol ng Brgy. Chairman

PINAGHAHANAP NA ang isang barangay chairman sa Caramoan, Camarines Sur makaraang makabundol ng isang bata.

Kinilala itong si Woody Lara, kasalukuyang kapitan ng Barangay Daraga ng naturang bayan.

Base sa pagsisiyasat, nasa tabi ng kalsada ang biktimang si Willie Jay Lopez, 8, at residente ng Brgy. Tawog.

Kasama umano nito ang kanyang ama na si William Lopez at nakatayo sa may harap ng isang gasolinahan nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ng salarin.

Agad naman itong nadala sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival,

Samantala, nakatakas naman ang naturang barangay

official.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.