Menor, Nailigtas sa Landslide

NAILIGTAS ANG  isang 14-anyos na dalagita matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Sitio Lukana, Barangay Kalunasan, Cebu City bandang alas-6:00, kahapon ng umaga.

Natutulog ang biktima na si Jesillee Olasiman kasama ang dalawang kapatid at ina nito nang maganap ang pagguho.

Iniligtas si Jesillee ng kanyang tiyuhin na si Felipe Bisinga mula sa lupa at putik na tumabon sa kanya.

Sa kabilang dako, stable na ang kondisyon ng menor na nagtamo ng sugat sa ulo at mga gasgas sa kanang braso at patuloy na nagpapagaling sa Cebu City Medical Center.

Sinabi ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na hihingi siya ng tulong sa mga opisyal ng barangay upang ideklarang danger zone ang nasabing  lugar.

Samantala, ang landslide ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa  naturang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.