Menor na Fil-am sa New York, Nagpatiwakal Dahil sa Bullying

NARANASANG PAMBU-BULLY sa paaralan ang itinuturong dahilan sa pagpapakamatay ng isang 12-anyos na Filipino-American sa Queens Village sa New York.

Miyerkules nang hindi pumasok sa eskuwelahan ang 7th grader na si Gabrielle Molina at nagkulong sa sarili nitong silid.

Akala ng mga magulang, masama lamang ang pakiramdam ni Gabrielle ngunit nang tangkain na ng nakakatandang kapatid na pasukin ang kwarto nito, tumambad sa kanila ang nakalambitin na katawan ng menor.

Nag-iwan ng isang note si Gabrielle ukol sa kanyang dinaranas na bullying sa pinapasukang paaralan at online.

Tinatawag umano siya sa masasakit na bansag ng mga kamag-aral at mukha pa anila siyang may sakit na Down syndrome.

Isang video rin ang nakunan na nakikipag-away si Gabrielle sa isa pang babae.

Naireport din na si Gabrielle sa local news na sinasaktan ang kanyang sarili at nakipaghiwalay kamakailan sa kanyang kasintahan.

Ayon naman sa mga kapit-bahay na Pinoy ng pamilya Molina, dapat nang aksyunan ito ng pamahalaan.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na may kabataang nagpakamatay. Isang 16-anyos na Fil-Am din ang nagpatiwakal tatlong taon na ang nakakaraan dahil din sa pinagdaanan sa eskuwelahan.

Samantala, nasa morgue pa ang labi ng nasabing Pinay. Nahihirapan umano ang pamilya na humanap ng Katolikong sementeryo na tatanggap sa labi.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.