Menor na Dinukot sa QC, Ligtas na

NASA MABUTI nang kalagayan ang isang 12-anyos na dalagitang naireport na nawawala kamakailan sa Monte de Piedad, Barangay Kaunlaran sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa biktima na si “Nerissa”, isang maputing Tsinitang babae na naka-dilaw na T-shirt, short pants at may hanggang balikat na buhok ang nagpumilit sa kanyang sumama.

Binantaan siya nitong may masamang mangyayari sa kanyang magulang kung hindi ito sasama.

Sinabi ni Nerissa na naglakad sila maghapon na parang inililigaw daw siya. Dinala siya sa isang bahay na hindi niya alam.

May dalawang lalaki at isa pa raw na babae na naghihintay sa kaniya. May mga kasama pa raw siyang biktima pero ayon sa kaniya siya ang pinakabata.

May pinainom din daw sa kanyang pampatulog. Pagkagising niya, iba na raw ang damit niya. Hindi raw niya alam ang nangyari.

Naglakad sila bandang alas-10:00 ng gabi. Nang mapalingat ang bantay na babae, nakatakas ang biktima.

Mag-a-alas-4:00 ng umaga nang matagpuan ng mga tauhan ng barangay malapit sa kanilang tirahan ang biktima.

Sinabi ni PO3 Terebio Besa, desk officer, QC Police District (QCPD) Station 7 na maaaring sindikato ang kumuha sa dalagita at balak itong gawing sex slave.

Sa ngayon, isinailalim na ang biktima sa medico legal para malaman kung pinagsamantalahan ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.