Menor, maghapong pinapak ng kapit-bahay

LABIS NA panghihinayang at kalungkutan ang nararamdaman ng isang single mom matapos na pagsamantalahan ng kanyang kapit-bahay ang 11-anyos na anak na babae nang makalimutan ng biktima na isara ang kanilang pinto sa Caloocan City kamakailan.

Halos hindi na makahinga sa kakaiyak ang 31-anyos na ina ng biktima dahil sa hindi matanggap ang sinapit ng kanyang anak sa kamay ng salarin na si Abraham Manolo, 35, hiwalay sa asawa, ng Bagong Barrio, Bgy. 141 ng nasabing lungsod.

Base sa pagsisiyasat ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police Sub-Station 1 partikular na ni PO3 Theresa Maliglig ay ganap umanong alas-siyete ng umaga habang naggagayak upang pumasok sa trabaho ay pinagbilinan niya muna ang anak na i-lock nang maigi ang kanilang pinto.

Ngunit nakaligtaang maisara ng biktima ang kanilang pinto, kaya pumasok ang kapit-bahay na suspek at kinaladkad ang menor sa hapag-kainan at doon ginahasa.

Pagkatapos ay sandaling iginapos muna ng salarin ang biktima upang hindi makatakas, pagbalik ng suspek ay muli itong hinalay.

Lumalabas sa impormasyon na mula nang oras na umalis ang ina ng biktima hanggang bago mag-alas-tres ng hapon ay nakailang beses umanong pinagsamantalahan ng salarin ang menor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.