Menor de Edad, Ginahasa ng Mangingisda

PINAGHAHANAP NA ng mga kapulisan sa Quezon Province ang isang mangingisda matapos ireklamo ng panggagahasa ng isang menor de edad.

Nakilala ang salarin na si Joel Pasko, 31-anyos ng bayan ng Guinayangan.

Lumalabas sa pagsisiyasat, pinasok diumano ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Wala umanong kasama ang hindi na pina-ngalanang biktima kaya walang tumulong sa kanya ng hawakan siya ni Pasko.

Pinilit umano siyang hubaran at ginawa ang ma-itim na binabalak.

Agad namang tumakas ang salarin sa hindi malamang direksyon.

Samantala, nang malaman ng ina ng biktima ang nangyari, agad itong nagsu-mbong sa PNP Guinayangan.

Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa counselling ang biktima dahil sa trauma bunsod ng pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.