Meningo, umatake na naman

ISANG 40-ANYOS NA lalaki ang hinihinalang namatay sa sakit na meningococcemia kahapon ng madaling-araw sa Cadiz City, Negros Occidental.

Ito ang kinumpirma ni Cadiz City Health Officer Merle Jane Regalado makaraang makita ang lahat ng sintomas ng nabanggit na sakit sa namatay na si Allen Honopre ng Barangay Talisay, habang nilalapatan ng lunas sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) alas-4:25 ng madaling-araw.

Unang dinala ang pasyente sa Cadiz City Emergency Clinic noong Sabado dahil sa taas ng lagnat na agad natukoy ni Dra. Sandra Arroyo na ang sakit nito ay meningococcemia, kung kaya’t inilipat ito sa Cadiz City District Hospital na inilipat din sa CLMMRH.

Ayon sa hipag ng biktima na si Merly Estrangko, pinayuhan sila ng manggagamot na huwag nang dalhin pabalik ang bangkay sa Cadiz City dahil kaila-ngang agad itong ilibing.

Kasabay nito, sinabhan ni Cadiz City Mayor Patrick Escalante ang publiko na huwag magpanik dahil binigyan na ng antibiotics ang mga miyembro ng pamilya ng namatay at sa mga may direktang kontak sa kanya.

Kabilang sa mga binigyan ng antibiotic ang lahat ng kawani ng pagamutan, maging ang drayber ambulansiya na nagdala sa biktima sa Bacolod City.

Sa kasalukuyan, binabantayan ng mga kawani ng City Health Office ang Barangay Ta-lisay.            (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.