Memory Monday: The Sexbomb Singers! “Get, Get, Awww!”

Sexbomb-DancerPARANG KAILAN lang nang sumikat nang husto ang dating in-house dance group ng Eat Bulaga na Sexbomb Girls. Aminin man natin o hindi, naging parte ang mga nagseseksihang dalagita sa pagsarap ng ating tanghalian, huh!
Patok na patok sa masa noon ang segment na “Laban o Bawi”. Maliban sa tsansang maka-hit sa jackpot, inaabangan din ng televiewers ang pag-ariba ng Sexbomb Girls. Maraming kalalakihan ang nagkaka-crush sa kanila, habang may mga batang babae naman na gumagaya sa pananamit at pagsayaw nila.
Dahil sa pagdiskubre ng singing abilities ng ilang miyembro ng grupo, nabuo ang Sexbomb Singers. Sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Weng Ibarra, Evette Pabalan, Izzy Tirazona at Monique Icban ang mga tinig sa likod ng hit novelty songs tulad ng Crush Kita, Pretty Little Baby, Stupid Ka Rin, ‘Di Ko Na Mapipigilan, Spaghetti, Halukay Ube at Bakit Papa, na nagkaroon pa ng movie version!
Hindi rin naman nagpahuli ang ilan sa miyembro ng Sexbomb Dancers. Ang iba sa kanila ay nabigyan ng pagkakataon na ipakita naman ang kanilang acting talent sa afternoon series na Daisy Siyete. Ilang taon din itong tumagal dahil inidolo na rin sila ng kabataan.
Nag-umpisa ang pagkawatak-watak ng grupo nang magkaroon ng kontrobersiya sa Eat Bulaga. Nagpasya na rin ang ibang miyembro na tumiwalag sa grupo para asikasuhin ang kanilang personal na buhay.
Hanggang ngayon, aktibo pa rin sa showbiz ang ilan sa Sexbomb graduates. Si Rochelle Pangilinan pa rin ang pinakasikat at successful sa kanilang lahat. Hawak pa rin ng Sexbomb Singers ang titulong ‘Philippines’ Best-Selling Girl Group of  all time”. Bongga lang, ‘di ba?
Bakit nga ba biglang ang Sexbomb Girls ang naisipan kong isulat ngayon? Well, narinig ko kasi ang awiting ‘Crush Kita’ at nabigla ako nang may maispatang foreigner na bigla itong kinanta. Awww!
Nakakatuwa lang alalahanin ang glory days ng Sexbomb Girls. Mahirap na silang lampasan, huh!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.