Memory card kapalit ng puri Dalagang may kapansanan sa pag-iisip, hinalay ng manyak na kapitbahay

SWAK SA KULUNGAN ang isang cellphone technician matapos ireklamo ng panghahalay ng kapitbahay na dalagang may kapansanan sa pag-iisip, iniulat kamakalawa ng gabi sa Caloocan City .

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si si Sonny Ungos, 32 ng P. Galauran St., 7th Avenue ng lungsod.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police, dakong ala-1 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Sa kabila ng kapansanan ng biktimang si Jho, (di-tunay na pangalan), 25, naikuwento nito ang ginawa sa kanya ng suspek. Aniya, pinapunta siya ng suspek sa kanilang bahay upang ibigay ang memory card ng cellphone na hinihiram niya.

Pagpasok ng biktima sa loob ng bahay, doon isinakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa at walang-awa nitong gahasain si Jho at nang makaraos ay sinabihan ang dalaga na bumalik kinabukasan at saka pa lang ibibigay ang memory card.

Kinabukasan, bumalik ang biktima sa bahay ng suspek at muli itong hinalay bago ibinigay ang memory card at nang makaraos ay pinauwi na ang dalaga.

Kinagabihan ay naikuwento ng biktima sa mga magulang ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang ipadakip sa mga barangay tanod si Ungos.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.