Member ng sexy male group, kulay-pula ang T-back habang nagpo-poker!

WALA AKONG BRAIN damage, ha?”

Ito agad ang nilinaw ng The Buzz, SNN, Pilipinas Got Talent host at bida ng Kung Tayo’y Magkakalayo na si Kris Aquino, matapos itong maisugod sa ospital nang mahilo siya at bumagsak.

Tumaas ang BP (blood pressure) ni Kris (180/100) kaya bumagsak na lang siya. And according to her doctor, she suffered cerebral labyrinthine concussion secondary to fall. In-admit siya sa Makati Med pero bukas, balik na siya sa trabaho. Tatlong araw rin siyang kinailangang obserbahan pa sa pagamutan.

Ibinahagi ni Kris ang isang bagay na natutunan niya sa nasabing pangyayari. Para sa lahat, lalo na ang mga homemakers, na lagyan ng rubber mats ang kanilang mga banyo para makaiwas sa mas malalang aksidente kung may madulas o himatayin sa loob nito.

BLIND ITEM: USAP-USAPAN sa backstage ng isang katatapos na show ang dalawang lovebirds ng showbiz.

Tahimik lang ang dalawa sa pagsasalita tungkol sa kanilang relasyon. Pero hindi naman nakaliligtas sa mga nakapaligid sa kanila ang madalas ng pag-aaway ng dalawa.

Sabi ng mga miron, masyado raw kasing nagiging matalak ang babae. Kaya, lalo lang daw itong nagwawala kapag ang Papa niya eh, nahuhuli niyang tumatawag sa ibang babae na nasa showbiz din kapag nag-aaway sila.

Ano kaya ang rason ng guy? Na shoulder-to-cry on lang ang babae’ng tinatawagan niya?

BLIND ITEM: ISANG kaibigan namin ang naglaro ng Poker sa Metro Club kelan lang. Naloka ang mama sa nakita niya sa katabi niyang player din. Member daw pala ito ng isang grupo ng mga kalalakihang nagpapa-sexy.

Nanalo kasi ang nasabing guy. Kaya, when he tried to scoop up his winnings nang tumayo ito, napatingin ang katabing kakilala namin. And guess what he saw nang medyo tumaas ang body hugging T-shirt ng nasabing guy?

Naka-T-back daw ito at kulay pula pa!

Sabi ko, baka naman galing sa isang performance ang nasabing lalaki kaya ito naka-T-back. Baka sumayaw sa kung saan. Pero bakit pula?

Your guess is as good as mine. Saan ba kino-cover ang lalaking ito? In fairness, madatung at pa-poker-poker sa Metro Club, ha?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Member ng sexy male group, kulay-pula ang T-back habang nagpo-poker!

  1. sinabi nyo pa, red is awsam nakakapaglaway talaga. saka ang lalaki na nagsusuot ng pula o pink ay mas lalaking tignan dahil secure sila sa kanilang pagkalalaki.

    halata naman sa isang paminta kung ang mga gamit nya ay may bahid na pagkababae for obvious reason

  2. Eh, ano ngayon kung pula? Matagal namang pinauso ng Bench ang underwear na pula, ‘no?

    • nd i find it sexy
      asawa ko nga may pula ding underwear eh…lng prblema don mas sexy tignan ang red kesa sa blck /blue/white atbp

Leave a Reply

Your email address will not be published.