Melissa Ricks, walang dating kay Matt Evans

INAMIN NI MELISSA RICKS sa presscon ng Love Online na matagal nang break si Matt Evans sa dati nitong syota na si Olyn (dati ring PBB, Teen Edition classmate), pero, hindi nito tinangkang ligawan siya hanggang ngayon.

Pangiti-ngiti lang si Matt na nasa tabi niya nang mga sandaling iyon. Kung tutuusin, hindi na siguro kailangan pang magligawan sila. Maluwag na sa kalooban ng kanilang mga fans na malaya na si Matt at naghihintay na lang sila ng panahong magkatuluyan ang dalawang teenagers.

Marami ang bumulong kay Melissa na huwag ng magsayang ng panahon, sakaling ibulalas ni Matt ang lihim  nitong paghanga sa kanya. Napakabait ng batang ito at sayang naman kung sa pangalawang pagkakataon ay mapunta pa sa iba.

Kahit ang BULLCHIT ay nabahagian na ni Matt ng kanyang kabaitan. Minsang tumawag ang inyong lingkod sa isang kasama niya sa Kambal Sa Uma para hingiin ang celfone ng isang director, ang bilis nitong sumagot na wala raw. Napilitan tuloy ang inyong lingkod na i-text si Matt, who, also said na wala din siyang number  ng director. Pero, nagmalasakit itong magtanong sa kasamang si Melissa. Nag-effort kumbaga. Karampot na hiling na hindi ginawa ng unang kong pinagtanungan, samantalang, magkasama sila nang mga panahong iyon sa nasabing taping.

Kahanga-hanga din kay Matt ang hindi pagkikimkim ng sama ng loob sa kanyang tunay na ama (isang foreigner) na hanggang ngayon ay hindi nagpaparamdam kahit ilang beses nilang sinubok na tawagan ito. Lalo tuloy minahal ni Matt ang kanyang stepdad at pinahalagahan ang pag-aaruga nito sa kanya.

Tingnan n’yo naman kung saan na ang dating kulot na bida ng Pedro Penduko? Hindi lang siya sa bakuran ng Kapamilya network nakakapagtrabaho kungdi sa labas nito, tulad ng Love Online ni Vic Sotto with matching international VJ si Paula Taylor.

“Bukod din akong pinagpala na makasama si Bossing Vic sa pelikulang ito. Hindi ko talaga akalaing mapasama ako dito dahil taga-kabilang istasyon nga po ako, di ba?” excited niyang pahayag.

Bihira naman kasing payagan ang mga taga-Kapamilya na gumawa ng project sa labas, lalo’t kaliwa’t kanan ang ginagawa ng mga ito sa kanilang home studio. Nadagdagan pa nga dahil extended na naman ang Kambal Sa Uma nila for the second  time.

KUNG HINDI LANG SIGURO dyowa ni  PaulaTaylor si  Marc Nelson, delikado ang lagay ni Pia Guanio kay Bossing Vic Sotto.

Totoong napakaganda ng bagong leading lady sa pelikulang ito na hindi na puwedeng hintayin pang ipalabas sa darating na Metro Manila Film Festival dahil sa tindi ng clamor ng movie-going public.

Kahina-hinala nga daw ang pag-alis ni Pia para magbakasyon sa Thailand kasama ang barkadang sina Tessa Prieto, Charina Sarte, Claudine Trillo at  Tim Yap. Hindi naman ito nalalayo sa pag-alis din noon ni Liz Uy (na pagkaganda-ganda at pagkabait-bait pala) kasama ang barkadang sina Anne Curtis, Raymod Gutierrez at iba pa patungong Europe.

Kahit nga paulit-ulit pang sabihin ni Bossing Vic na hinding-hindi dapat ma-insecure si Pia kay Paula, hindi pa rin kapani-paniwalang hindi man lang siya nakuryente  o nag-init tuwing kasama at kadikit ang international VJ sa may ilang buwan nilang pagso-shooting ng pelikula. May natitira pang araw sa promo kung kaya’t hindi pa ligtas si Paula sa charm ni Bossing or is it the other way round?

MAY CONDOLENCES nga pala sa naiwang pamilya ng dati kong teacher at principal sa Botolan High School na si Mrs. Nieves de San Agustin, ganoon din sa pamilyang naiwan ng dati kong classmate na si Justita Justo Geneblaza na sina Domingo Geneblaza, at mga anak na sina Beth, Genee, Xehna, at Alan.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Melissa Ricks, walang dating kay Matt Evans

  1. ay naku no. napaka gwapo ni bossing vic pero naman, katakam takam si marc nelson! grrrrrrr! ang sarap nun! perfect guy!

  2. naman! may non showbiz gf c matt may pelikula lang andyan na naman ang magpauso ng mga kwentong walang kwenta ay! mga pinoy nga naman!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.