Melissa Ricks still hopeful

ZERO PA RIN ang lovelife ni Melissa Ricks. Hindi pa rin kasi nanliligaw sa kanya hanggang ngayon ang ka-love team niyang si Matt Evans. Hindi naman siya naghihintay na ligawan siya nito, lalo’t hindi siya naniniwala na break na ito sa dating girlfriend na kasama niya sa teen edition ng Pinoy Big Brother.

Sinasabi lang daw na nag-break na ang mga ito, pero alam daw niya na tuloy pa rin sila.

“Pero, masaya naman ako. Mababaw din ang kaligayahan ko. Noong b-day ko last January 9, mga friends ko lang ang kasama kong nanood ng sine. Mostly girls. My parents wanted to throw a party for me, pero tumanggi ako.”

Malaking bagay na kay Melissa ang dance number niya sa ASAP.

“Alam n’yo ba sa amin, malaking achievement na iyon. Madugo ang preparation sa dance numbers, kahit gaano kasimple o kabilis matapos ang portion. For every celebrant na nabibigyan ng gaanong importansiya, napakalaking bagay na. Ang dami pong nag-a-aspire na ma-recognize kahit paano as an actress-performer. ‘Pag dumating na sa ganitong level, kailangan ka nang magpapasalamat nang husto sa mga taong nasa likod ng blessing.”

Hindi nga makapaniwala si Melissa na natapos na naman ang isang taon dahil naging abala siya. After Your Song nila ni Matt, ang primetime show na Iisa Pa Lamang ang kasunod na ginawa niya bilang kapatid ni Claudine Barretto. Na-enjoy niya nang husto ang pakikipagtrabaho kay Claudine, lalo na kina Ms. Susan Roces at Gabby Concepcion.

Patuloy rin si Melissa sa pagho-host ng ASAP ‘09 bilang host at performer. Part din siya ng grupong “4 U” segment ng ASAP ‘09 kasama sina Matt, Kim Chui at Gerald Aderson. At nakatakda siyang mag-shoot ng Your Song sa March para sa ‘Underage’ episode kasama pa rin si Matt, Lauren Young, AJ Perez, Empress Schuck at Dino Imperial.

Higit sa lahat, mayroong movie si Melissa sa Star Cinema kung saan gaganap siya bilang kapatid ni Derek Ramsay sa Sam Milby at Bea Alonzo project.

BUTI NA LANG at naiwasan ang intriga sa Careline presscon kung saan inilunsad si Sarah Geronimo bilang bagong endoser.

Dati kasing endorser ng beauty products si Toni Gonzaga. Hindi siyempre maiiwasang itanong kung bakit pinalitan na siya. Nagkatawan nang sabihin ng isang Careline exec na para daw sa mga bagets ang beauty products na iyon.

Mabilis namang binawi ng speaker ang kanyang pahayag. Mayroon pa naman daw silang Ever Bilena at ito ang para kay Toni. Actually wala rin silang masasabi, dahil tatlong mahahabang taon na kering-keri ni Toni ang kanilang produkto. Akala nga ng lahat, imported ang ginagamit ng PBB host, dahil ubod nang kinis ito at gumanda na nang husto, kung ikukumpara noon.

Ang challenge na hatid kay Sarah ng Careline, kung gaganda na nga siya nang husto, tulad ni Toni. Susubaybayan kasi si Sarah ng lahat at papansinin kung totoong nakagagawa ng “milagro” ang beauty product.

As it is, okey na ang gandang Pinay ni Sarah. Kahit paano, gumaganda siya lalo sa paningin ng lahat, lalo’t bumibirit siya. Pero, iba na siempre ‘yung mas maganda pa siya kaysa dati. Otherwise, bakit pa gagamit ng ibang product kaysa nakasanayan na niya.

Samantala, mukhang okey nang sumagot si Sarah kapag natatanong tungkol kay Rayver Cruz. Feeling nila, may go signal na ang binata na ligawan ang Pop Princess.

Pero, hanggang salita pa lang naman daw ang go signal kay Sarah ng kanyang Mommy Divine. Tiyak na dusa ang daranasin ng binata sa Mommy ni Sarah. Hindi naman kasi basta-basta ganu’n na lang ang pagpapaubaya ng ina sa anak. Marami pang pagsubok na daraanan ang binata para maka-first base man lang. Hindi rin daw mga kamag-anak o kaibigan ang magtsa-chaperon kay Sarah sakali mang i-date siya ng binata. Walang sino mang pagkakatiwalaan si Mommy Divine, kundi siya mismo.

Tiyak ding magiging magastos, kahit pagte-text at lalo na kung tatawag ang binata kay Sarah kapag nasa ibang bansa na ito at naglilibot sa 14 lugar ng kanilang series of concerts abroad.
Bukod sa hawak ni Mother Divine ang cellphone ni Sarah, siya ang magdedesisyon kung ibibigay ito sa anak, siya pa rin ang unang makababasa ng text messages.

Meanwhile, suwerte rin ni Rayver, dahil nali-link na siya ngayon sa isang sikat na artista at Pop Princess pa. Kung hindi kasi siya mali-link sa sikat, posibleng hindi rin patusin ang balita ng mga kapatid ko sa hanapbuhay, ‘di po ba?

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

One thought on “Melissa Ricks still hopeful

  1. Melissa Ricks on the BBC World News

    BBC World News is the BBC’s international 24-hour news and information channel, broadcast in English in more than 200 countries and territories across the globe.
    Its estimated weekly audience of 74 million makes it the BBC’s biggest television service.
    Available in more than 295 million homes, 1.7 million hotel rooms, on 81 cruise ships, 46 airlines and 35 mobile phone platforms, BBC World News broadcasts a diverse mix of authoritative international news, sport, weather, business, current affairs and documentary programming.
    BBC World News is at the heart of the BBC’s commitment to global broadcasting. As an integral member of BBC Global News, sitting alongside BBC World Service radio, BBC World News delivers impartial, in-depth analysis of breaking news, as well as looking at the stories behind the news – not just what is happening, but why.
    BBC World News is owned and operated by BBC World News Ltd, a member of the BBC’s commercial group of companies and is funded by subscription and advertising revenues.

Leave a Reply

Your email address will not be published.