Melissa Ricks, nagmamaldita na?!

PERSONAL NAMING KINAUSAP si Derek Ramsay at mariin niyang sinabing hindi totoong hiwalay na sila ni Angelica Panganiban. Ayon sa aktor, okey at smooth pa raw ang kanilang relasyon. “‘Yung kay Saida? Hindi totoo ‘yun, nagkakilala at nagkasama kami sa isang basketball event at hindi naging kami,” tuluy-tuloy na pahayag ni Derek habang kampanteng nakaupo sa gilid ng kanyang kotse.

Sinabi ni Derek na totoong hindi magkakilala sina Angelica at Saida, pero hindi ibig sabihin noon ay itinago na niya kay Angelica ang tungkol kay Saida.”Actually natatawa lang si Angel sa isyu dahil alam niyang hindi talaga totoo.”

Lumabas ang isyung hiwalay na sina Angelica at Derek sa kolum ni Ricky Lo pero hindi naman daw galit ang aktor sa beteranong kolumnista. “Wala namang dahilan para magalit ako, normal lang naman ‘yun, ‘di ba?”

ISANG VERY CLOSE na kaibigan ni Judy Ann Santos ang nagbulong sa amin na totoong buntis na ang aktres kaya lang ay mukhang sa programang Eat… Bulaga! aaminin ni Ryan Agoncillo ang tunay na kalagayan ni Judai. “Actually, six weeks pa lang na preggy si Judai.”

Nagbigay na nang pahayag si Judai sa movie press at bitin ang kanyang mga komento. “Hindi muna magsasalita si Judai as long as na hindi pa nagtu-two months ang kanyang dinadala kasi mahirap nang mag-press release nang hindi pa talaga kumpirmado.

Samantala, kahit balitang buntis na si Judai ay tuloy pa rin ang pagha-honeymoon nila ni Ryan this coming summer. Gusto raw kasi ng mag-asawa na pagtuunan ng panahon at pansin ang pagkakataon ng anak dahil sabik na silang magkaroon ng anak.

MARAMI ANG NAKAPAPANSIN na sumasama na ang ugali ni Melissa Ricks. May nagbulong sa amin na hindi na raw ganu’n kabait ang dalaga na ‘di tulad noong mga panahong nagsisimula pa lang siya sa showbizlandia. “Hindi na siya tulad sa dati na talagang loveable, ngayon ang dami-dami na niyang eklat sa buhay.”

Hindi namin ganu’n ka-close si Melissa, pero parang gusto naming maniwala kung minsan, dahil hindi lang isang reporter ang nagbulong sa amin sa biglang pagbabago ng ugali ng aktres kundi marami na.

Well, well… kung totoo ngang maldita na ngayon at feeling Diva si Melissa, nakapanghihinayang naman. Wala pa siyang karapatang magtaray at umastang sikat dahil wala pa siyang napatutunayan.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Melissa Ricks, nagmamaldita na?!

  1. may napatunayan na ba itong starlet na ito..sino ba sya?..saan ba napulot at nagfeel na star na ha?….aba aba…ni di ka kilala dito sa tundo ganyan ka na…sipain kaya dyan sa show mo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.