Melissa Ricks, ‘di pa rin magawang ilaglag ang ex-bf na si Jake Cuenca

MALAKI NA TALAGA ang ipinagbago ng ugali ni Melissa Ricks. Kung dati-rati ay sobra siyang mahiyain, nga-yon naman ay sobrang ma-PR na siya sa kapwa niya mga artista sa showbiz, at bongga na rin ang PR niya sa press, dahil bukod sa hindi siya isnabera ay honest naman siyang lagi sa kanyang mga sagot, dahil nakakaya na nga niyang i-express ang kanyang sarili. Nakakagulat siyempre, na hanggang ngayon ay nakakaya pa rin niyang iparamdam ang mga hindi niya nagugustuhang nangyari sa nakalipas nilang relasyon ni Jake Cuenca.

Patay-malisya lang marahil si Jake. Pero sa mga binibitiwang salita ni Melissa ganu’n na rin sa kanyang pag-iwas na mayroon pa siyang masabing makasasakit sa kanyang ex-boyfriend, ay parang lumalabas na ang hunk actor ang may nagawang kasalanan sa young actress. Kasi nga, si Melissa ‘yung nakakapag-taas ng noo tungkol sa isyu ni-lang dalawa, habang si Jake naman ay dinadaan na lang sa paglalambing sa press at puro matatamis na ngiti ang isinusukli kapag hinihingan siya ng reaksiyon tungkol sa pagiging asiwa ni Melissa na siya ay mapag-usapan.

Pero dapat ipagpasalamat ni Jake, na kung siya ‘yung nagkaroon ng malaking kasalanan sa hiwalayan nila ni Melissa, hindi pa rin siya inilalaglag nang todo ng dalaga. Kasi nga, naroon sa kanya ang pagpipigil na ilam-paso si Jake kapag iniinterbyu siya ng press. Pero ang haba ng hair ni Melissa, at medyo naaliw siya sa respetong ibinigay sa kanya ni Jake, dahil nagpaalam sa kanya ang binata, na mayroon siya ka-date na ibang girl sa ginanap na Star Magic Ball nu’ng September 3.

 

COOL NA COOL ang dating ni Piolo Pascual sa kanyang pagsagot tungkol sa isyu ng diumano’y pinagdaraanan ng relasyon nila ni KC Concepcion sa ngayon. Lumalabas tuloy, na ang ibang tao ang sobrang affected sa isyu nila ni KC, samantalang si-lang dalawa ay nakikiramdam lang at umaasang kung anuman ‘yung gusot sa pagitan nila ay maaayos din naman, dahil nga para sa kanila ay hindi naman ganu’n ka-grabe ang nangyayari.

Consistent naman sina Piolo at KC sa pagsasabing hanggang ngayon ay magkarelasyon pa rin sila. Marami tuloy ang nawindang kung bakit sobra naman ang pagkaseryoso ng dating ng mga pahayag ng Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa sinasabi niyang mayroong pinagdaraanan ang kanyang anak. Malungkot at seryoso ang hitsura ng mukha ni Piolo nang banggitin niya, na kung anuman ang nangyayari sa kanila ni KC, huwag naman daw sana si-lang pangunahan ng ibang tao.

Pareho kasing busy sina Piolo at KC sa kanilang magkakahiwalay na mga trabaho. Kadarating lang ng guwapong aktor mula kanyang pagsi-show sa ibang bansa, kaya naman kahit pagod ang kanyang katawan ay sinagot na niya kaagad ang isyu, para hindi na lumala pa. Kasi nga, marami ang nagsimpatiya sa kanya, na parang siya ang lumalabas na masama sa nabanggit na kontrobersiya. Nahusgahan kaagad siya na hindi umano maganda ang kanyang nagiging pagtrato kay KC bilang kanyang ka-relasyon. Sa totoo lang, nariyan na rin talaga ang tsikang baka nagkakalamigan na silang dalawa. Kasi nga, sa relasyon, kabahan ka na sa sitwasyon kapag pumasok ‘yung nagkakasawaan na.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Melissa Ricks, ‘di pa rin magawang ilaglag ang ex-bf na si Jake Cuenca

  1. bakit kasi si sharon at gabby eh naniniwala sa mga reporters na wala namang basehan, cguro si sharon nagreact lng sa nabasa nya, dapat tinanong nya ng diretso si KC at kung may katotohanan man ang mga balita eh wala sya sa lugar para magcomment dahil sa it takes two to tango, for their relationship to work, dapat dalawa sila KC at Piolo na magwork out ng diffrerences nila ng walang nakikialam na ibang tao

Leave a Reply

Your email address will not be published.