Melissa Ricks, may secret admirer?!

UNTIL NOW AY clueless pa rin si Melissa Ricks sa kanyang secret admirer.

Noong first week of this month ay may nagpadala ng flowers kay Melissa sa kanyang condo sa Greenhills. Wala ang dalaga at nasa taping siya kaya ang kanyang tita ang nakatanggap ng bulaklak.

Nagtaka ang dalaga dahil wala man lang dedication at walang pangalang nakasulat sa ipinadalang flower arrangement sa kanya. Hindi tuloy niya matukoy kung sino ang mystery admirer niya.

Hindi kaya si Jake Cuenca ang nagpadala sa kanya ng flowers as his way to smoke the peace pipe? Aware naman kasi si Jake na nagdamdam nang husto ang dalaga sa break-up nila months ago.

O kaya naman ay may bagong admirer lang talaga ang dalaga at nahihiya lang itong ipaalam ang kanyang identity?

Which is which? Guess na!

 

TALAGANG HINDI NA itinatago nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang kanilang relasyon.

Just last week, nakita ang dalawa enjoying a quiet dinner sa EDSA Shang-ri-la Hotel. Silang dalawa lamang ang magkasama kaya masasabing it’s a private date between them.

Bagama’t hindi umaamin, obvious namang magdyowa na ang dalawa. Hindi lang siguro sila komportable na lagyan na ng label ang kanilang relasyon.

Sa nasabing hotel din nakita noong Linggo ng madaling-araw sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

After the controversial fistfight with Coco Martin, mukhang wala nang kaproble-problema ang relasyon nina Maja at Matteo.

Now that they’re open about their relationship, mas peaceful na siguro ang kanilang relasyon dahil wala na silang dapat itago sa press at sa publiko.

PINALITAN NA PALA ang title ng bagong soap na pagbibidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Christopher de Leon.

Ang unang title na nasabi sa amin ay Sa Ngalan ng Ama. May conflict kasi, nauna na ang TV5 sa title na Sa Ngalan ng Ina na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Ngayon, ang bagong title na ng soap ay Padre de Pamilya na.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Melissa Ricks, may secret admirer?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.