Melissa Ricks, may bago nang ‘Jake’!

NAKAHANAP NA nga ba ngayon si Melissa Ricks ng bagong inspirasyon sa katauhan ni Paul Jake Castillo?

In his KrisTV interview, Paul Jake admitted that he is now dating Melissa. Mas idinetalye pa niya ang tungkol sa kanilang pagkakamabutihan nang siya ay ma-interview ng The Buzz. Paano ba sila nagkakilalang dalawa? “[We met through] common friends. We go out, have dinner, go out with friends, do anything we want to do. I hope I’ll be a better person and I can make her happy. I’m happy to have met her. I hope she’s really happy dating me.”

Mukhang naka-move on na si Melissa makalipas ang kani-lang break-up ni Jake Cuenca. Makahulugan ang kanyang na-ging pahayag tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon. “It took me a while to find somebody to be normal and happy again. Siyempre after your first heartbreak, it takes a lot out of you.”

Flattered daw siya dahil very vocal si Paul Jake sa pagsasabing nililigawan niya ang dalaga. “He really makes me happy. ‘Pag stressed out ka sa work, it’s good to have someone to talk to and to be with.”

Incidentally, parehong galing sa isang reality show sina Melissa at Paul Jake. Si Melissa ang nanalong 4th Runner-Up sa Star Circle Teen Quest Season 1, samantalang si Paul Jake naman ang 1st Runner-Up sa Pinoy Big Brother Double Up.

Sa live interview kay Jake sa The Buzz ay inamin niya na masaya siya para sa dating girlfriend. “Sobrang saya ko para sa kanya, from Nasaan ka Elisa? to iyong soap niya ngayon (Walang Hanggan). Sobrang saya ko para sa kanya kasi I know she deserves it because she’s a very nice person.”

Hiningan siya ng mensahe para kay Melissa. “I’m proud of you for everything you are accomplishing. And I’m really, really happy for you, for everything that’s happening in your life in general. When I found out the issue about Paul Jake, I just hope Paul Jake takes care of you really well. And I know he’s a very nice guy, sobrang mabait iyan, kaibigan ko din iyan, so I wish you guys all the best.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.