Melissa Ricks, matindi pa rin ang sama ng loob kay Jake Cuenca?!

KAKAIBA PALANG magtanim ng sama ng loob si Melissa Ricks, dahil talagang kung wala siyang salita na gustong sabihin patungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca, mahahalata na lang sa kanyang mukha, na wala siyang interes pag-usapan ang mabait na actor. Masayahin kasing tao si Melissa, at ganado rin siyang tsumika. Pero kapag tungkol na kay Jake ang topic ay nagbabago talaga ang kanyang mood at nawawalan na ng ganang magsalita.

Marami naman ang nagtataka kay Jake kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang ginagawang pakikipag-ayos kay Melissa, para kung anuman ang dating hinanakit sa kanya ni Melissa ay mapag-usapan na at maging plantsado na. Kahit napakabait ni Jake sa istilo ng kanyang pakikisama, hindi pa rin talaga magandang malaman na nakakaya siyang iwasan at tarayan sa talikuran ni Melissa, lalo pa’t kilala ring mabait ang tisay na young actress.

Pero kailangan na rin talaga ni Melissa na ibaon sa limot ang mga hindi niya nagustuhan sa pagkatao ni Jake kung anuman ‘yon. Kasi, maganda na rin ang takbo ng kanyang lovelife ngayon. Kumpara kay Jake na ang dami-daming babaeng nali-link, mukhang mas magtatagal sila ng bago niyang boyfriend na si Paul Jake Castillo, na maamo at simple ang dating ng kaguwapuhan. Karay-karay ni Kris Aquino si Paul Jake bilang guest sa KrisTV kamakailan, sa pamamasyal sa Bicol at maraming naintriga sa bongga niyang sex appeal. ‘Kalowkah!

 

HABANG PATULOY na nakawiwindang ‘yung nakakaumay na bangayan nina Annabelle Rama, Nadia Montenegro at Amalia Fuentes, nakaaaliw naman ang positibong mga pangyayari ngayon sa buhay nina Janice de Belen, John Estrada, Charlene Gonzales, Luigi Muhlach at Aga Muhlach. Kasi nga, mayroong mga pagkakaayus-ayos na nangyari, na siyempre pa’y ang isyu nila ay napaka-personal para sa kanilang pamilya, kaya mahirap na panghimasukan.

Maganda ang paglalahad na ginawa ni Luigi tungkol sa nakaraan nila ng kanyang daddy na si Aga. Na parang nu’ng lumalaki na siya at nagkakaisip ay wala ang pagkakasundo, dahil hindi naman sila madalas na nagkakasama. Normal lang talaga ang ganitong pangyayari, dahil maraming mga anak na katulad ni Igi na naging produkto ng broken family.  Nakalilito talaga sa buhay ‘yung may ibang pamilya ang iyong mga magulang, kaya naligaw rin ng landas si Igi, at iniyakan iyon ni Janice sa pag-iisip na baka raw hindi siya naging perpektong ina.

Maayos na ang buhay ngayon ni Luigi dahil pamilyado na siya. Naiangat na niya ang pangalan ng kanyang daddy sa mga nag-iisip noon, na porke’t sikat ang husband ni Charlene ay may distansiya siyang ginawa mula sa panganay niyang anak.  Masaya naman si John, dahil mahal ng mga anak niya kay Janice ang baby nila ni Priscilla Meirelles. Kahit si John ang nang-iwan kay Janice ay saludo ang matangkad na actor sa pagpapalaki ng kanyang ex-wife sa kanilang mga anak, dahil magaganda, malulusog at lumaking magagalang ang mga anak nila ni Janice.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Melissa Ricks, matindi pa rin ang sama ng loob kay Jake Cuenca?!

  1. DI MO MASISI C MELISSA RICKS KUNG D CYA MAKA-MOVE ON. NATURAL C JAKE ANG NAKA-DONSELYA SA MGA BUTAS NYA SA KATAWAN TAPOS ITINAPON CYANG PARANG BASURA NUNG CNABI NUNG KABET NA BAKLA NI JAKE NA IWAN NYA NA C MELISSA. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. hindi naman kc natin alam din kung anung dahian,. may mga kasalanan na madaling kalimutan….merun ding nangangailangan ng oras..

  3. HINDI LANG SIGURO MAKA-MOVE ON SI MELISSA SA MASAKIT AT MASIKIP NA KARANASAN NIYA KAY JAKE HEHE! ALAM NYO NAMAN SI JAKE KUNG PAANO MAGPALIGAYA NG BEBOT, MAPAPA-AWWW KA HAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.