Melissa Ricks, magpapakita na ng boobs at puwet!

PALABAN NA si Melissa Ricks pagdating sa paghububad, matapos na pumayag itong mag-pose sa isang men’s magazine na bra at panty lang ang suot.

Ayon sa maganda at sumeksing actress, naging bukas na raw ang isip niya na magpaka-daring sa mga susunod niyang movie project. This time daw ay payag na siyang mag-bareback at magpasilip ng boobs sa anumang acting project.

Kung may isang magandang role sa pelikula raw na kinakailangan siyang magpakita ng puwet at boobs ay ‘di raw siya magdadalawang-isip na gawin.

Tulad daw ng ginawa ni Jennylyn Mercado sa movie na Rosario, kung saan nagpakita ng bareback at boobs ang actress. Kung kasing-ganda rin daw ng nasabing movie ang gagawin niya ay gagawin din niya na magpa-kita ng skin.

Ang hindi lang daw kayang gawin ni Melissa ay maghubo’t hubad sa kahit anong project, pelikula man o pictorial. Bed at kissing scene ay walang problema huwag lang daw siyang paghuhubarin totally.

Katunayan, natapos niyang serye na Nasaan Ka, Elisa? ay sangkatutak na bed at kissing scene ang ginawa niya na hindi isinama sa airing. Baka raw kasi hindi ito payagan ng MTRCB.

Kung makikita ninyo ngayon si Melissa, ang laki ng ipinayat nito na bumagay naman sa kanya. Itutuloy raw niya ang pagda-diet pero nangako na hindi raw siya magpapakabuto’t  balat.

Siyanga pala sa huling linggo ng October inaasahan nang magwawakas sa ere ang serye nila nina Coco Martin, Julia Montes, atbp na Walang Hangggan. At habang wala pa raw siyang project ay pupunta muna siya sa Tate para magbakasyon kasama ang pamilya ng boyfriend na si Paul Jake Castillo.

 

NAKATAKDANG ILABAS sa mga sinehan ang indie film ni Cesar Montano na Biktima kasama sina Angel Aquino at Mercedes Cabral kaya ‘di naiwasang tanungin ang actor kung naging biktima na ba siya?

“Lahat naman ng tao biktima. Iba ay biktima sa pag-ibig, atbp. Ako? Siguro masasabi ko ngayon na naging biktima ako ng pulitika,” pahayag ni Cesar.

Matatandaan na tumakbong gobernador ni Cesar pero siya ay natalo. Natalo raw siya dahil ‘di niya ito napaghandaan nang husto bago pinasok. Hindi naman sa ayaw na niyang pasukin pa muli ang politics pero as of now ay naka-focus siya sa paggawa ng mga indie film at pelikulang kanyang ididirek at ipo-produce.

Sayang at tinuldukan na ni Cesar na hindi siya tatakbong vice mayor ni Lim sa Manila. Hihingin sana namin ang opinion or reaction niya sa naging patutsada ni Manila incumbent Vice-Mayor Isko Moreno na hindi maganda ang dating sa halos lahat ng press. Sa isang interview raw kasi ni Vice Isko ay nagpahayag ito na kung gusto raw mag-aral ni Cesar, may scholar ito na kanyang pinag-aaral. Kung totoo ito, hindi maganda para pagsabihan mo ang isang sikat at iginagalang na actor na si Cesar.  Hindi yata alam ni Vice Isko nakapagtapos ng pag-aaral si Cesar sa Lyceum, not like him na hindi yata nakapagtapos ng elementary.

Sayang kung pumayag lang si Cesar na maging running mate ni Mayor Lim, sure winner at sigurado rin kami na matatalo si Vice Isko. Pero marami pa rin ang umaasa na magbabago ang desisyon ni Cesar at tanggapin ang offer sa kanya ni Mayor Lim na maging running mate.

 

PAKIUSAP NG handler ni Sam Milby na tigilan na ang actor sa isyu na pinopormahan nito si Maja Salvador. Maging si Maya ay naiirita na rin sa isyu sa pagli-link sa kanila ni Sam.

Anyway, inamin naman ni Sam na zero ang lovelife niya dahil sa tuwing may magugustuhan daw siya ay taken na ang girl. Tsika nga ni Sam, may nagustuhan daw siya sa New York City pero nang popormahan na niya ay napag-alaman niya na may boyfriend na pala ito.

Mayroon daw siyang nagugustuhan ngayon na taga-showbiz. Hindi lang magawang pormahan ni Sam ang girl dahil nag-aalangan siyang magparamdam sa pangamba na baka raw may ibang dini-date na ‘yung girl.

Samantalang early part of February 2013 pupunta si Sam sa Los Angeles California para mag-audition sa mga TV production. ‘Yun daw mga sikat na Hollywood actors din ay dumaraan din daw sa mga audition, kaya ‘di siya nahihiyang sabihin na mag-a-audition siya pagpunta ng L.A.

Sa ngayon, nakapag-shooting na si Sam para sa pelikulang Death March at tuluy-tuloy pa rin ang taping niya para sa bagong teleserye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, ang Against All Odds.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Melissa Ricks, magpapakita na ng boobs at puwet!

Leave a Reply

Your email address will not be published.