Melissa Ricks kay Jake Cuenca: “Mahal ko siya…!” – Eddie Littlefield

HANGGANG NGAYON, ITINATANGGI pa rin ni Melissa Ricks ang tunay nilang relasyon ni Jake Cuenca. Napabalita kailan lang na nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan sina Melissa at ina nito dahil sa binatang aktor na pinabulaanan naman agad ng dalaga.

“Well, my Mom is being protective. Lahat naman ng nanay, gustong mapabuti ang anak. Mother is always right naman, wala siyang sinasabing masama kahit kanino. Huwag na lang idamay ang Mama ko. Kung anuman ‘yun, okey na’ng Mommy ko, my Mom knows everything. Nagkausap naman sila before…” sey ni Melissa na pakiwari namin, may inililihim.

“Hindi, wala naman at saka it’s my own decision din, I’m turning 20, matanda na rin ako, alam ko ‘yung tama. Wala naman kaming relasyon na dapat ibulgar namin. If ever, ‘yun nga, karapatan ng fans na malaman din nila.”

Balita na kaya raw tumigil si Jolo sa panliligaw kay Melissa ay sa dahilang pinagbawalan daw ni Jake ang dalaga. “Hindi, kami naman ni Jolo were just really friends. Siguro ‘yung pagbibigay niya ng regalo nasa ugali na niya ‘yun. Mabait siya sa mga leading ladies niya, sinabi niya sa akin ‘yun.  Siguro na-mis-interpret lang  ‘yung kabaitan niya. Sinasabi ko lang sa kanya na huwag mo naman akong masyadong binibigyan dahil hindi ako sanay. Nahihiya ako, sasabihin ko gusto ko ng prutas tapos, may prutas na, ganyan. He’s very nice, huwag naman masyado dahil nahihiya na ako sa kanya. Hindi ko naman pinagbawalan si Jolo, hindi ko naman sinabing huwag na niya akong bigyan, huwag na niya akong padalhan. Never kong sinabi ‘yun sa kanya. Before, Jolo gave me Hello Kitty, mga pagkain sa set, regalo nu’ng Pasko,” paliwanag niya.

Pero kapag si Jake ang nagpapadala ng regalo sa bahay ni Melissa, halata mong kinikilig ito. “Not all the time, minsan nagdadala siya ng regalo. Bakit pa kasi nagtatanong kung halata naman ninyo. Mahal ko siya bilang isang mabuting kaibigan,” bigla itong tumawa nang malakas na halata mong hindi nagsasabi ng totoo.

Hindi kaya pinuprotektahan lang ni Melissa ang loveteam nila ni Matt Evans kaya hindi nito maaming sila na ni Jake? Balik-tambalan uli ang dalawa sa bagong teleseryeng ng Dos na Tanging Yaman.

“Kung ang idadahilan ang loveteam namin ni Matt, our loveteam from the start ‘yun talaga kami ni Matt.  Hindi namin pinipilit ‘yun, hindi naman talaga nanliligaw sa akin si Matt. We just enjoy working together and I don’t wanna work with anybody else in a loveteam as I promised. I’m very comfortable with Matt, hindi kami na pe-pressure na kailangang magpakilig kami ng mga fans. May natural chemistry na kaming dalawa,” paglilinaw ni Melissa.

Melissa is turning 20, legal na raw ang panliligaw ni Jake. Wala na kayang time limit ang pagbisita sa kanya ng aktor? “Siguro, depende rin ‘yun sa tao, kung magtitiyaga ka makaaabot ka sa point na makaaakyat ka sa bahay namin para makausap mo ang parents ko, ganyan,” wika niya.

Hanggang kailan ninyo maitatago ni Jake‘yung relasyon ninyong dalawa? “Let see, hindi naman siya nanliligaw sa akin. Oo, nagpapadala siya ng pagkain, nagpaparamdam siya pero hindi siya nanliligaw sa akin,” kiyemeng sagot ni Melissa.

Hindi ba’t sinabi mo noon sa presscon ng Kambal sa Uma na nanliligaw si Jake sa ‘yo, bakit deny to death ka ngayon? “Siguro… ang hirap naman nito, paulit-ulit. Sige, nanliligaw siya sa akin, pero hindi ko pa siya boyfriend. Wala naman akong aaminin,” pag-amin bigla ni Melissa.

Hindi  itinanggi ni Melissa na niregaluhan siya ni Jake nu’ng Christmas. Ayaw na lang daw niyang sabihin kung ano ‘yun. “Ayaw ko namang i-broadcast sa lahat ‘yung ibinibigay sa akin ni Jake. Parang ‘yung nangyari, sabi ni Jolo, paano nila nalaman ‘yung ibinigay ko, parang ginawa kong press release ‘yung regalong ibinigay sa akin ni Jolo, ganu’n lumabas. He gave me a gift, I appreciate it, nagustuhan ko and it’s the thought that matters. Hindi naman sa regalo ‘yun, kung ano ‘yung iniregalo sa ‘yo,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.